(NI BONG PAULO)
KINUMPIRMA ng militar na may mga ginagawang recruitment activity pa rin ang rebeldeng grupo sa ilang mga lugar sa North Cotabato.
Ito ang ipinahayag ni 72nd Infantry Battalion commander Lt. Col Rey Alvarado ng Philippine army na nakabase sa Magpet, North Cotabato.
Ayon sa kanya, sa pamamagitan ng Community Support Program na direktiba ng higher headquarters target ang mga kabataan upang hindi umanib sa kaliwang grupo.
Dagdag pa ng opisyal, may mga namonitor pa rin ngayon sa ilang lugar sa lalawigan na mga kabataan na sumasali sa grupo.
Ang mga pangako at pagbibigay ng pera ang dahilan na nahihikayat ang mga menor de edad. Sinabi rin nitong target ng grupo ang nasa IP (Indigenous People) community lalo na ang kulang sa edukasyon at kulang sa impormasyon.
Kaugnay nito, muling nagpa-alala ang militar na handa ang gobyerno na sila ay protektahan ang mga nais na bumalik sa pamahalaan.
238