RELUYA AMBUSH TATAPUSIN NG 2 LINGGO

lakam

(NI JG TUMBADO)

INATASAN ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde si Police Regional Office 7 Director Chief Supt. Debold Sinas, na resolbahin nito sa loob ng dalawang linggo ang pananambang kay San Fernando, Cebu Mayor Lakambini “neneth” Reluya.

Sinabi ni Sinas na tinanggap nito ang hamon ni Albayalde at sinigurong tutupad ito sa iniatas na deadline.

Direktang ini-utos ng chief pnp sa local police sa Talisay ang agarang paglutas sa kaso ng tangkang pagpatay kay Reluya at kung mabibigo ay hindi magdadalawang isip na tanggalin ang lahat ng police personnel sa kanilang posisyon.

“We will do our best. We never object the directives from the Director General,that’s the directive. We will follow that directive. The pressure is there but we will definitely follow that directive.” pahayag ni Sinas.

Isa sa tatlong napatay sa nangyaring pananambang kay Mayor Reluya ang dalawang staff nito at ang kanyang mister na si Ricardo Reluya Jr., kasalukuyang pangulo ng Association of Barangay Councils sa bayan ng San Fernando.

6

Related posts

Leave a Comment