RETIRADONG SUNDALO, TODAS SA RIDING-IN-TANDEM

PAGADIAN CITY – PATAY ang retiradong miembro ng Philippine Army (PA) makaraang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang riding-in-tandem sa labas ng kanilang bahay kahapon ng umaga.

Ang  biktimang si Mario Fernando Piga, 55- taong gulang, at residente ng Barangay Banale, Pagadian City ay hindi na umabot ng buhay sa pagamutan dulot ng tinamo nitong sugat sa  iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

Ayon kay Pagadian City Police Chief Superintendent Alvin Saguban, naghuhugas lamang umano ng plato sa labas ng kanyang bahay ang biktima nang dumating ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at mula sa likuran ay bigla na lamang pinaulanan ng bala gamit ang kalibre .45 ng baril ang biktima saka agad na tumakas ang mga suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa insidente para alamin ang tunay na motibo sa krimen gayundin ang pagkakakilanlan sa mga suspek.

15

Related posts

Leave a Comment