RIDER SUMALPOK SA VAN, PATAY

QUEZON – Patay ang isang motorcycle rider makaraang sumalpok sa nakaparadang van sa Quirino Highway, Brgy. Poblacion, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Jojo Santos, 37, residente ng Brgy. Sta. Cecilia, Tagkawayan.

Ayon sa report, tumatakbo patungong north direction ang biktima nang hindi nito mapansin ang nakaparadang aluminum van sa shoulder ng highway.

Sumalpok ang motorsiklo sa hulihang bahagi ng van na nagdulot ng grabeng pinsala sa ulo ng biktima.

Isinugod ito sa Ma. L. Eleazar General Hospital sa Tagkawayan subalit idineklarang dead on arrival.

Samantala, ikinustodiya ng Tagkawayan police ang driver ng van na si Johnrel Ationg, 34, residente ng Himamaylan, Negros Occidental, na kakasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide dahil sa pagparada nito sa shoulder ng kalsada nang walang early warning device.

Napag-alaman naman na walang suot na crash helmet ang biktima nang mangyari ang insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

105

Related posts

Leave a Comment