Sa Northern at Central Luzon PWERSA NG CPP-NPA PATULOY SA PAGHINA

TULOY-TULOY ang paghina ng puwersa ng kilusang Communist Party of the Philippine-New People’s Army sa hilaga at gitnang Luzon dahil sa sunod-sunod na military operation at pagsuko ng mga rebelde sa Northern Luzon Command.

“Eroding mass base support and corrupt practices of the NPA leaders continue to hound the communist terrorist groups in northern and central Luzon have left a lot of its members disgruntled,” pahayag ni Lieutenant General Arnulfo Marcelo B. Burgos Jr., pinuno ng NOLCOM, kasunod ng pagka-neyutralisa sa limang kasapi ng komunistang grupo.

Dalawang ‘disgruntled member’ ng communist terrorist group ang sumuko sa Sta. Lucia, Ilocos Sur, habang nadakip naman ang isang NPA member at dalawang NPA supporters sa Cauayan, Isabela.

Ang dalawang dating rebelde na kinilalang sina alyas “Oyet” at alyas “Dadong,” ay kapwa kasapi ng Milisya ng Bayan sa ilalim ng Kilusang Larangang Gerilya South Ilocos Sur (KLG SIS).

Isinuko nila ang isang Bushmaster M4 rifle at tatlong magazines na may 480 rounds ng live ammunition para sa M14 rifle, at 256 na bala para sa cal .45 pistol, sa mga tauhan ng 7th Infantry Division, nang iharap sila sa mayor ng Sta. Lucia, Ilocos Sur na si Joseph S. Valdez.

Sa hiwalay na military operation ay nadakip naman sina Jerry Ramos alyas “Bobol,” kasapi ng NPA, sa ilalim ng KR-CV Central Front, kasama sina Herminio Ramos alyas “Minio” at Virgilio Dela Cruz alyas “Junior” sa Barangay Villaflor, Cauayan City, Isabela.

Nakuha sa pag-iingat ng tatlo ang dalawang improvised explosive devices, tatlong detonating cords, tatlong rifle grenades, tatlong hand grenades, isang cal .45 pistol na may isang magazine, at subversive documents.

Hinimok ni Lieutenant General Burgos ang ilang nalalabing kasapi ng communist terrorist group na magsalong na ng kanilang mga sandata at magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang reintegration program na inaalok ng gobyerno. (JESSE KABEL)

47

Related posts

Leave a Comment