(NI AL JACINTO)
ZAMBOANGA CITY – Napatay ng mga police commandos ang isang hinihinalang Abu Sayyaf bomber matapos itong makipaglaban sa Zamboanga City.
Sinabi kahapon ng pulisya na natunton ng mga commando si Admar Asilon, na miyembro umano ng Abu Sayyaf’s urban terrorist group sa ilalim ni Marzan Ajijul. Sa halip na sumuko ay nakipag-barilan ito habang tumatakas sa Barangay San Jose bago maghating-gabi nitong Lunes.Nasukol ang 35-anyos na Abu Sayyaf sa isang gusali kung saan ito napaslang. Ayon sa pulisya, si Asilon ay miyembro rin ng isang gun-for-hire syndicate sa Zamboanga City at Basilan.
“Moreover, subject person is known to be an active member of UTG under the leadership of Marzan Ajijul who operates in the East Coast of Zamboanga City and also a member of City Hunter a gun-for-hire group operating in Isabela City, Basilan and this city (Zamboanga),” ani ng pulisya sa impormasyon na inilabas nito.
Ang operasyon laban kay Asilon ay inilunsad ng 904th Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion 9. Naganap ito halos isang araw lamang matapos na 2 suicide bombers ng ISIS ang umatake sa Our Lady of Mount Carmel sa bayan ng Jolo sa Sulu province.
Nanawagan naman si Zamboanga Mayor Beng Climaco sa publiko na “to be very vigilant against the presence of suspicious-looking persons and unattended packages in their community, and report them immediately to the authorities.”
Hinigpitan na rin ng mga awtoridad ang seguridad sa Zamboanga, ayon kay Climaco. “Multiple layers of checkpoints have been established, particularly in thickly populated areas and at the borders or entry and exit points of the city,” wika pa nito.
327