SUICIDE IBINIDYO NG BIKTIMA

CAVITE – Ibinidyo ng isang lalaki ang kanyang pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos iwanan ng kanyang girlfriend sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Rico Gallan Rillion, nasa hustong edad, ng Brgy. Puting Kahoy, Silang, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:25 ng umaga nang natuklasan habang nakabigti ang biktima sa lace na itinali sa kisame ng kanilang bahay sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nakainom umano ang biktima nang isagawa ang pagpapakamatay dahil sa naranasang depresyon matapos iwanan ng kanyang girlfriend.

Ibinidyo umano ng biktima ang kanyang pagpapakamatay sa pamamagitan ng kanyang cellphone.

Kumbinsido ang pamilya na walang foul play sa pagkamatay ng biktima at tumangging isailalim sa awtopsiya ang bangkay nito. (SIGFRED ADSUARA)

145

Related posts

Leave a Comment