TAGAPAMAYAPA NG BARANGAY, ITINUMBA

QUEZON – Natagpuang patay sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito ang isang miyembro ng Lupong Tagapamayapa ng isang barangay ng bayan ng Rosario sa Batangas noong Biyernes ng umaga.

Ayon sa report ng Tiaong Police, dakonag alas-7:30 ng umaga nang madiskubreng nakabulagta sa damuhan sa Sitio Tabing Ilog, Brgy. Del Rosario ang biktimang si Robert Tobeo Cabillo, 57-anyos, miyembro ng Barangay Justice ng San Isidro, Rosario, Batangas.

Batay sa pagsusuri ng SOCO, may dalawang tama ng bala ng kalibre .45 na baril sa ulo ang biktima na siya nitong ikinamatay.

Hindi pa mabatid ng mga imbestigador at mga kaanak kung paano napunta sa lugar ang biktima na 20 kilometro ang layo mula sa kanilang barangay at nakita pa ito sa kanilang lugar dakong hapon bago ito natagpuang patay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente at inaalam ang pagkakakailanlan sa mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

142

Related posts

Leave a Comment