TSERMAN NIRATRAT SA BARANGAY HALL

PAMPANGA – Patay ang chairman ng Barangay Lacquios sa bayan ng Arayat sa lalawigan nang pagbabarilin sa loob mismo ng kanilang barangay hall noong Linggo ng gabi, Agosto 11.

Kinilala ang biktimang si Barangay Captain Norberto Lumbang, alyas “Kap Mel”, 57, may asawa, pinagbabaril at napatay dakong alas-8:30 ng gabi.

Ayon sa Arayat Police Station, nakatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen na nag-ulat hinggil sa pamamaslang sa barangay chairman ng Lacquios.

Nabatid na dumating umano sa barangay hall ang nasabing apat na hindi pa nakikilalang armadong mga suspek na sakay ng itim na Toyota Innova na may plate number NAU-2713, bumaba ang tatlo sa mga ito, pumasok sa loob ang isa na may mahabang baril at pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang insidente, agad na umalis sa lugar ang mga suspek at tumakas patungo sa hindi nabatid na direksyon. (ELOISA SILVERIO)

61

Related posts

Leave a Comment