PROTOCOLS SA CHECKPOINTS SINIYASAT NG PNP

PNP CHECKPOINT

PERSONAL na nag-ikot si Philippine National Police (PNP) Decputy Chief for Operations Lt. Gen. Camilo  Cascolan upang matiyak na nasusunod ang pagpapatupad ng mga binalangkas na safety protocols sa mga inilatag na checkpoint sa buong Metro Manila at Luzon.

Sa kanyang pag-iikot, unang pinuntahan ni Cascolan ang mga checkpoint palabas ng Southern Manila at isinunod ang mga checkpoint sa Mamplasan, Binan, Laguna.

Maliban sa maayos na pagpapatupad ng mga kaukulang guidelines, nais din ni Cascolan na matiyak na ligtas ang kalusugan ng mga naka-deploy na pulis na naka-expose sa banta ng COVID 19.

Inutusan umano ni PNP Chief General Archie Francisco Gamboa si Cascolan na alamin kung may sapat na safety at sanitation equipment ang mga nagmamandong pulis bilang mga frontline sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health, may karagdagang 15 kaso ng COVID 19 kaya sumampa na sa 202 ang kaso nito, 17 na ang nasawi at walo ang nakarekober.

FRONTLINERS
NG AFP BINISITA
Samantala, binisita rin kahapon ni Lt Gen Gilbert Gapay ng Philippine Army ang kanilang mga miyembro na naka-deploy at nagsisilbing frontline sa mga quarantine checkpoint sa Metro Manila at mga katabing lugar.

Personal na inalam ng heneral ang kondisyon ng kalusugan ng kanilang mga sundalo sa MacArthur Highway, Valenzuela City, NLEX Bocaue, Bulacan at Mindanao Avenue, sa Quezon City.

Sa kanyang pagbisita, iginiit ni Lt Gen Gapay ang kahalagahan ng ginagampanang papel ng mga sundalo sa pagsugpo sa kumakalat na virus ng COVID 19 at ang kahalagahan ng kalusugan ng mga ito sa kanilang misyon.

Makaraang bigyan ng moral support, hinikayat ng pinuno ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ang kanilang mga tropa na ingatan at panatilihing malusog ang kanilang pangangatawan at isipan. Namigay rin ng mga personal protective equipment si Lt Gen

Gapay upang higit na mapalakas at mapagbuti ang kanilang inspection sa mga taong dumadaan sa mga checkpoint.

Mula nang ipatupad ang community quarantine sa Metro Manila, patuloy ang pamamahagi ng Phlippine Army ng food packs sa mga health worker mula sa mga ospital sa
kalakhang Maynila at sa kanilang mga fronliner. NICK E

257

Related posts

Leave a Comment