LAGUNA – Patay ang isang pulis matapos na tambangan ng hindi kilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo sa Cabuyao City sa lalawigang ito, nitong Huwebes ng umaga.
Dead on the spot ang biktimang si P/SSgt. Christian Ramos, taga Calaca, Batangas at nakatalaga sa Regional Internal Affairs Service (RIAS) Office ng CALABARZON PNP sa Camp Vicente Lim sa Calamba City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Cabuyao City Police, sakay ang biktima ng kanyang mtorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Casili nang pagbabarilin ito ng mga suspek na sakay ng kasunod na motorsiklo sa Yulo Road sa Barangay Pittland.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril. (NILOU DEL CARMEN)
