RANDOM CHECK SA MGA DAYUHAN IMINUNGKAHI

chinese

(NI BERNARD TAGUINOD)

IMINUNGKAHI ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na gayahin ang ibang bansa na i-check kahit saang lugar ang mga dayuhan, lalo na’t dagsa ang mga dayuhan sa bansa dahil sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).

Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap ang mungkahing ‘random check’ sa mga dayuhan upang malaman kung ilegal na nagtatrabaho ang mga ito sa bansa o kaya overstaying na ang mga ito.

“That is basic for Filipinos working or touring abroad, lagi na lang natin dala yung mga passports natin kasi may mga bansa na may authority ang police to check your papers and your passport to determine if you are allowed to be there in the first place. It is an anti-crime measure and I don’t see any reason why it should be practiced here as well”, ani Yap.

“Minsan sa train stations, minsan sa mall, minsan within the vicinity of their government offices, pwede tayong sitahin ng mga police officers nila which is understandable because anybody can be a security threat or maybe illegal aliens and they are just doing their jobs which is to maintain public order and safety.”

Hindi ito aniya ginagawa sa Pilipinas kaya hindi malaman kung overstaying o kaya ilegal na nagtatrabaho ang mga dayuhang ito na pakalat-kalat kahit saan lugar sa bansa.

Dahil dito, iminungkahi ng mambabatas na magsagawa na rin ang gobyerno ng random check sa mga dayuhan dahil isa ito sa mga paraan upang maresolba ang problema sa mga undocumented at overstaying sa bansa.

Ginawa ni Yap ng suhestiyon dahil naniniwala ito na maraming Chinese nationals na nagtatrabaho sa mga POGO ay walang Alien Employment Permits at iba pang dokumento.

“Nakita natin yung ipinasarang POGO company sa Eastwood and Parañaque because of tax violations. It is a result of a very tedious investigation done by the government. I think random inspections on foreign workers would help in our campaign to track down illegal workers. Pag may nakitang violation sa foreigner, it will give us lead kung saan sila nagtatrabaho and consequently, catch the big fish”, ayon pa kay Yap, chairman ng House committee on games and amusement.

 

 

204

Related posts

Leave a Comment