HINILING ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto sa pamahalaan na balasahin at palakasin ang membership ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases dahil may nakikitang senyales na nagloloko ang makinarya laban sa pandemya kaya nanganganib ang bansa.
Sa pahayag, sinabi ni Recto na pawang mabilis at mapamuksa ang COVID pero mabagal at pupugak-pugak ang pagkalat ng bakuna kaya hindi lamang dapat mag-change oil kundi pati driver palitan na.
“Hindi lang change oil ang kailangan, mukhang change engine na rin,” ayon kay Recto.
Sinabi ni Recto na pagkatapos ng isang taon, hindi nagagawa ng kasalukuyang pamamaraan ang dapat makamit ng bansa, kaya panahon na upang lumikha ng mas mahusay na grupo.
“It is time to expand the membership of IATF, to include those in private business with superb managerial skills, such as those who have been running companies with a million moving parts with efficiency and precision,” ayon kay Recto.
Sa ilalim ng Executive Order No. 168 na lumikha nito, nananatiling all-government ang liderato ng IATF na pinamumunuan ng kalihim ng Kalusugan at kalihim ng DFA, DILG, DOJ, DOLE, DOT at DOTr bilang miyembro.
Wala rin umanong permanenteng posisyon ang pribadong sektor sa National Task Force against COVID-19 na pamumunuan ng kalihim ng Department of National Defense ang command center.
Aniya, kailangan ng isang logistic expert ang giyera laban sa COVID na nagsusuplay sa customer base sa bilang na ilang milyon tulad ng bakery sa Laguna na naghahatid ng milyong piraso ng tinapay sa mga tindahan mula Aparri hanggang Zamboanga sa loob lamang ng ilang oras.
“Kung may reinforcement man sa IATF, huwag lang po sana MDs—mga Military Dati—kasi quota na po ang sector na ito,” aniya.
“My friend and former Cabinet seatmate, Pingkoy Duque, a car fancier and Formula 1 follower (kaya nga F4 ang branding ng kanyang flagship programs), knows that when a car is not winning
races, and is last in the vaccine race, it is time to replace the engine—and the driver,” ayon sa senador mulang Batangas.
“He knows that drivers are not so welded to the steering wheel that they become irreplaceable,” dagdag niya.
Ayon kay Recto, mananatili sa puwesto sina Secretary Duque at Galvez sa IATF pero may bagong papel. “They can be one of the pistons of a new, smarter engine that will have more cylinders, but no longer its ECU, its computer brain.”
“Having reinforced the IATF, it is time to put a new man on the driver’s seat,” aniya.
Idinagdag pa ng senador na kahit pinakamahusay na sasakyan ang magdadala sa atin sa katuparan ng ating mithiin, pero hindi dapat patakbuhin sa autopilot.
“There should be a stronger Malacañang team that will direct the war against COVID round-the-clock, whose diagnostic equipment is plugged into the nation’s COVID fighting machine so that adjustments are made and trouble fixed in real time,” ayon kay Recto. (ESTONG REYES)
204
