LEYTE – Wakwak ang tiyan at kapwa wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang mag-live-in partner makaraan umanong pagtatagain ng lalaki ang kanyang kinakasama saka pinagtataga ang sarili, iniulat nitong Huwebes umaga sa probinsyang ito.
Kinilala ang mga biktimang sina Elena Corona, 40, at Rolando Agner, 38, kapwa residente ng Brgy. Sangputan, Babatngon, Leyte.
Batay sa report ng Police Regional Office 8, dakong alas-12:00 ng madaling araw noong Abril 15 nang mangyari ang insidente sa loob ng bahay ng dalawa.
Lumabas sa imbestigasyon, nakita ng ilang kapitbahay si Agner na kinuha ang itak sa labas ng kanilang bahay saka pinagtataga si Corona.
Pagkaraan ay pinagtataga rin Agner ang kanyang sarili hanggang sa lumuwa ang bituka sa kanyang tiyan.
Agad namang nagresponde ang mga awtoridad na nadathang kapwa duguan ang dalawa.
Isinugod ang mga biktima sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.
Kuwento ng ilang residente, dalawang linggo na umanong hindi nakatutulog ang lalaki at nakararamdam ng halusinasyon at tila nawawala sa kanyang sarili.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. (ANNIE PINEDA)
557 