RIZAL IDINEKLARANG INSURGENCY FREE

OPISYAL nang idineklara ng Armed Forces of the Philippine na ganap nang insurgency-free ang lalawigan ng Rizal matapos ang isinagawang ceremonial proclamation ng Stable Internal Peace and Security (SIPS) status ng lalawigan noong Lunes sa Antipolo City.

Ang makasaysayang kaganapan ay ginanap sa Rizal Provincial Capitol Complex na pinangunahan ni Rizal Provincial Governor Nina Ricci Ynares, at dinaluhan ng mga prominenteng tao mula sa pamahalaan at non-government sectors kabilang si National Security Adviser Sec. Eduardo Año, Department of the Interior and Local Government (DILG) Region IV-A Regional Director Ariel Iglesia, at League of Mayors President Cesar Ynares.

Kasama sa pagdedeklara na wala nang impluwensiya ang CPP-NPA sa nasabing lalawigan, sina Southern Luzon Command (SOLCOM) Commander Lt. Gen. Facundo Palafox IV, Southern Luzon Area Police Command Commander PLt. Gen. Jonnel Estomo, 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division (2ID) Commander Brig. Gen. Cerilo Balaoro Jr., 202nd Infantry “Unifier” Brigade Officer-in-Charge (202Bde) Col. Jess Alcudia, at 80th Infantry “Steadfast” Battalion (80IB) Commander Lt. Col. Mark Anthony Ruby.

Tampok sa nasabing pangyayari ang paglagda sa Memorandum of Understanding at pag-aalis ng tabing ng SIPS marker, na sumisimbolo sa sama-samang commitment na pagmamantine ng peace and security sa rehiyon.

Ang pagdedeklara ng pagiging insurgency free ng isang lalawigan ay matapos na matagumpay na makamit ang SIPS status ng 13 munisipalidad at isang lungsod sa probinsya.

Ayon kay Brig. Gen. Balaoro; “The declaration of Rizal as insurgency-free is a testament to the strong collaboration between all levels of government, various stakeholders, government agencies, the communities, and the security sector over the years.” (JESSE KABEL RUIZ)

160

Related posts

Leave a Comment