SAGOT NG PHILHEALTH ANG PAGPAPAOSPITAL DAHIL SA MGA SAKIT DULOT NG TAG INIT

Sa opisyal na pagsisimula ng tag-init at panahon ng bakasyon kung saan marami ang bumabyahe at nagsasagawa ng outdoor activities, maaaring malagay sa panganib ang kalusugan ng maraming Pilipino.

Mula Enero 1 hanggang Abril 29 ng nakaraang taon, ang Department of Health (DOH) ay nakapagtala na ng 77 kaso ng heat-related illnesses na nagresulta sa pagkamatay ng pitong katao.

Dahil dito, nagpaalala ang PhilHealth na may mga benepisyong nakalaan sa sinumang Pilipino na mao-ospital dahil sa mga sumusunod:

● Heat stroke, heat exhaustion, heat collapse, heat cramp at sunstroke: Php 12,675

● Heat fatigue at iba pang epekto ng init at araw: Php 18,135

● Moderate hanggang sa severe dehydration: Php 7,800

● Bulutong tubig na walang komplikasyon: Php 7,800

● Tipus: Php 19,500

● Sore eyes/conjunctivitis: Php 16,575

● Infectious diarrhea/acute gastroenteritis: Php 11, 700

● Nakalalasong epekto ng pagkadikit sa isda at iba pang lamang dagat gaya ng jellyfish o dikya, starfish o sea anemone: Php 11,115

Ipinapaalala din na mayroong Outpatient Emergency Care Benefit (OECB) Package ang PhilHealth para sa mga pasyenteng kinakailangang dalhin sa emergency room ng ospital.

Ang nasabing benepisyo ay magagamit sa alinmang PhilHealth-accredited na ospital sa buong bansa.

Samantala, binigyang diin din ang kahalagahan ng pag-iingat at pag-iwas sa mga sakit.

“Pinaaalalahanan natin ang ating mga kababayan na uminom ng sapat na tubig, iwasan lumabas kapag tirik ang araw, at ugaliing maghugas ng kamay at maligo nang regular lalo na kung may planong bumyahe o kaya’y sasama sa mga outdoor activities. Nais natin na ang panahong ito —ginugugol man sa pagninilay o pagpapahinga kasama ang ating mga mahal sa buhay— ay manatiling ligtas at masaya para sa ating lahat,” saad ni PhilHealth Acting President at CEO Dr. Edwin M. Mercado.

Para sa detalye ng mga benepisyo ng PhilHealth, maaaring tumawag sa 24/7 touch points: (02) 866-225-88; mobile numbers 0998-857-2957, 0968-865-4670, 0917-1275987 o 0917-1109812.

#Rise30
#SamasamangPagangatParaSaBagongPilipinas

8

Related posts

Leave a Comment