SCLA SA QC BUMABA NA SA 49 LUGAR

UNTI-UNTI nang bumababa ang bilang ng mga lugar na nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas (SCLA) sa Quezon City sa pagpasok ng Setyembre 2021.

Sa pinakabagong ulat na inilabas ng Quezon City Government, as of September 3, 2021, nakapagtala na lang ng 49 SCLA sa nasabing lungsod.

Batay sa data na inilabas ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon, noong unang linggo ng Agosto 2021 ay nasa 63 ang isinailalim sa SCLA dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Subalit noong Setyembre 2021 ay nakapagtala na lamang 49 na nasa ilalim sa SCLA sa Quezon City.

Kabilang sa mga nabanggit na lugar ay ang Village B, Brgy. UP Campus; isang lugar Sitio Lambak Compound, Brgy. Krus na Ligas; isang lugar sa Florville Ext., Brgy. Tandang Sora; bahagi ng Salvador St., V. Francisco St., at Baluyot St., Brgy. Krus na Ligas; isang lugar sa Quirino Highway, Brgy. Talipapa; isang lugar sa Matapang St., Brgy. Central; isang apartment sa Jasmine St., Brgy. Capri; dalawang lugar sa Queen Margarette St., Queensland Subdivision, Brgy. Nagkaisang Nayon; left side portion ng Lilac St., Brgy. Fairview; isang lugar sa Amusian St., Brgy. Masambong; isang lugar sa Yrreverre Bldg., Mindanao Avenue, Brgy. Talipapa; isang lugar sa Kalayaan Avenue, Brgy. Central; POVEDA construction site, Brgy. Ugong Norte; isang lugar sa Road 1, Brgy. Bagong Pag-asa; at isang lugar sa Pariseo Alley, Zambales St., Brgy. San Martin de Porres.

Nasa ilalim din ng SCLA ang isang lugar sa Calamba St., Brgy. Lourdes; isang lugar sa Redeemer St., Brgy. New Era; bahagi ng Area 6, Brgy. Botocan; isang lugar sa Mendoza St., Brgy. Paltok; isang lugar sa Standford St., Brgy. E. Rodriguez; isang lugar sa Santol St., Brgy. Santol; isang lugar sa Cotabato St., Brgy. Alicia; isang lugar sa Kennedy St., Brgy. Bahay Toro; dalawang lugar sa Santol St., Brgy. Santol; isang lugar sa 1st St., Saint Crowne Place Townhouse, Brgy. Valencia; isang lugar sa Banlat Road, Brgy. Tandang Sora; bahagi ng LYV Marketing, La Lolo Eatery, Cenito Apartment, Tandang Sora Avenue, Brgy. Tandang Sora; Banahaw St., Brgy. San Martin De Porres; at anim na lugar sa Zambales St., Brgy. San Martin de Porres.

Naka-lockdown din ang isang lugar sa West Riverside, Calalay Tenement, Brgy. Damayan; Bldg. 3, Sikatuna Bliss 2, Brgy. UP Campus; kaliwang bahagi Purok 3, Luzon Avenue, Brgy. Culiat; isang lugar sa G. Roxas St., tatlong lugar sa Tendido St. at dalawang lugar sa Tinagan St., Brgy. San Jose; isang lugar sa Liberty Ave., Brgy. Socorro; isang lugar sa Malvar St., Brgy. Sta. Lucia; isang lugar sa Road 1, Brgy. Bagong Pag-asa; at isang lugar sa K-6th St., Brgy. West Kamias; at isang lugar sa Molave St., Brgy. Duyan-Duyan.

Sinimulan ding isailalim sa 14-araw na SCLA, as of September 3, 2021, ang isang lugar sa Amusian St., Brgy. Masambong; isang lugar sa Batangas St., Brgy. San Antonio; Marilag Fire Station, Magat Salamat St., Brgy. Marilag; isang lugar sa Saint Martin St., Jonaville Subd., Brgy. Nagkaisang Nayon; bahagi ng Sto. Niño St., Pook Dagohoy, Brgy. UP Campus; isang lugar sa Road 1, Brgy. Bagong Pag-asa; isang lugar sa Davao St., Brgy. Alicia; bahagi ng 1st St., Brgy. Bagong Lipunan ng Crame; isang lugar sa P. Tuazon St., corner Lakandula St., Brgy. Milagrosa, at isang lugar sa Zobel St., Brgy. Masagana.

Ang partikular na mga lugar ang sakop lamang ng SCLA at hindi buong barangay.

Ang mga residente ay suportado ng food pacts at essential kits at isasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine. (JOEL O. AMONGO)

300

Related posts

Leave a Comment