AIKO-CRISTY FERMIN BATI NA AFTER 8 YEARS

aiko12

AYON sa report ni Glenn Regondola sa PEP.ph kahapon, tinapos na ng aktres na si Aiko Melendez ang hidwaan nila ng showbiz columnist-radio host na si Cristy Fermin sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono nitong April 15.

Nagsimula ang kanilang alitan noong 2011 nang masangkot sa kontrobersiya si Aiko sa dati niyang boyfriend na si Bulacan Mayor Patrick Meneses na kinampihan naman ni Cristy.

Recently ay nakarating daw kay Aiko (galing sa kaibigan at dati niyang manager na si Ogie Diaz) na ipinagtatanggol siya ni Cristy sa “kabit” isyu niya ngayon.

Mangiyak-ngiyak daw si Aiko during the telephone call, pero it’s all worth it daw dahil okay na silang dalawa ngayon.

134

Related posts

Leave a Comment