KAHIT hindi na siguro mag-artista’t kumanta itong si Alex Gonzaga ay pwede na siyang magbuhay-reyna.
Sa vlog niya pa lang sa kanyang YouTube channel ay kumikita na siya ng milyones every month. Hindi pa kasama riyan ang mga sponsors ng vlog na majority ay kilalang products.
Milyun-milyon din ang umaakyat na pera kay Alex sa mga ginagawa nitong TV commercials. May 12 endorsements siya ngayon.
Kaya naman carry na ni Alex na ilibre ng European tour ang kanyang family. Nai-tour na rin niya ang parents na sina Mommy Pinty at Daddy Carlito sa US at Japan kasama ang boyfriend na si Mikee Morada, sister Toni at husband Direk Paul Soriano at pamangking si Seve.
Sa kanyang career naman sa ABS-CBN, napapanood sila ng kanyang Ate Toni sa “Home Sweetie Home” at malapit nang magbalik sa ere ang “I Can See Your Voice” kung saan isa siya sa celebrity investigators. Nasa seven figures din ang TF niya rito.
Patuloy ring bumebenta sa digital platform tulad ng Spotify, iTunes atbp. ang single ni Alex na “Chambe” na higit 26 million na ang views sa YouTube.
So, hindi na talaga magpapakabog si Alex sa mga rich celebrities dahil talagang certified milyonarya na ito.
263