ALEX GONZAGA’S TREAT TO HER GLAM TEAM: TRIP TO HONG KONG!

alex55

(NI LOURDES C. FABIAN)

BONGGA pala ang Kapamilya star na si Alex Gonzaga at marunong tumanaw ng utang na loob to the people who have been making her look pleasant at laging looking great at stylish sa bawat project na ginagawa niya.

At galante ang treat niya sa kanyang whole glam team – trip to Hong Kong lang naman!

Sa Instagram post ng make-up artist na si Denise Ochoa, makikitang all smiles si Alex na naka-post with her glam team together with actress Julia Barretto na sumama sa kanilang bakasyon para takasan ang wala nga namang katapusang isyung Gerald-Bea.

Julia was spotted with friends in Hong Kong pero mabilis napansin ng kanyang mga supporters kung bakit hindi niya kasama ang matalik na kaibigan at fellow Kapamilya actress na si Erich Gonzales.

Kagagaling lang ng Japan ni Erich kung saan nakasama niya ang kanyang Ate Kris Aquino at mga anak na sina Joshua at Bimby. Need niyang mag-unwind kaya pumunta siya ng Japan.

The Block Z actress also shared some videos and photos of her Hong Kong trip on her Instagram stories.

108

Related posts

Leave a Comment