ANG NADISKUBRE AT NAMI-MISS NI JANINE KAY ALDEN!

(By ROMMEL GONZALES)

Naging happy si Janine Gutierrez na naging parte siya ng Victor Magtanggol na nagwakas nitong November 16.

“Yes, super, super! Kaya nga nalulungkot din po ako na natapos na ‘yung taping namin eh, kasi sobrang saya talaga ng set na ‘to. Magkasundo lahat ng tao, na parang hindi naman in-effort-an.

“Siguro nag-click lang talaga at nagkataon na mababait ‘yung mga artista sa show and ‘yun lang ‘yung nami-miss ko talaga, ‘yung samahan kasama sina Alden, sila Ms. Coney [Reyes], Sir Eric [Quizon], lahat.

“Kasi na mabibigat ‘yung mga ginawa naming eksena, kahit na action or mainit or madaling araw na, sobrang gaan ng pakiramdam dahil sa mga katrabaho,” pagbabalik-tanaw ni Janine.

Ano ang mga nadiskubre ni Janine kay Alden Richards bukod sa pagiging mabait, gentleman at passionate ng binata sa trabaho?

“Siguro ‘yung umpisa pa lang nung nag-shoot kami sa Japan, kasi kaming dalawa lang ‘yung artista dun plus Tita Coney, tapos masaya kasi siyempre biyahe, ibang bansa, mahilig din siya sa pagkain, so kapag  lunch break ‘yung buong crew, lahat kakain sa labas.

“Tapos naalala ko may in-order ako na hindi masarap, tapos sabi niya, ‘Ano Ja, not good?’

“Tapos inayos niya, nilagyan niya ng lemon , parang tinimplahan niya, tapos ang sarap na, sabi ko, ‘Ang galing!’

“Sabi niya, ‘O ganyan talaga ‘yan, pag seafood dapat mas okay kung lagyan mo ng lemon.’

“Ganun pala ‘yun, kasi nakita niyang naubos ko, tapos sabi niya, ‘Ano okay, na?’

“So ‘yun, ma-miss ko ‘yung mga ganung maliliit na moments na very sensitive siya sa mga tao. Alam niya kung parang masaya ka or hindi ka okay at talagang maasikaso siya sa lahat ng tao.”

Bago magsimulang umere ang Victor Magtanggol at hanggang nagwakas ito ay maraming negatibong komento mula sa mga bashers. Paano ito nakatulong para maging strong o matibay na tao si Janine?

“Actually, bukod sa mami-miss ko ang cast at ang crew ng Victor Magtanggol, isa din talaga sa ipinagpapasalamat ko sa pagiging parte ko dito ‘yung nakilala ko din ‘yung talaga ‘yung sumusuporta sa akin at ‘yung mga taga-suporta ni Alden.

“Kasi ramdam na ramdam ko din po talaga ‘yung support nila, ‘yung pagtanggol nila, ‘yung hindi sila mapanghusga.”

Kung may nam-bash kay Janine na mga fans ng Aldub (loveteam nina Alden at Maine Mendoza), may mga nagtanggol rin naman kay Janine na mga fans ni Alden.

“Yeah, opo, sobrang-sobrang dami! Na ramdam ko talaga ‘yung pagmamahal nila sa show at sa lahat sa amin na naging parte ng show, super- thankful ako kasi nagpapasalamat sila sa amin sa mga natutunan nila sa show.

“So ‘yun talaga, super-super thankful ako sa lahat ng sumuporta,” wika pa ni Janine.

Sa ngayon ay regular na napapanood si Janine sa Day Off sa GMA News TV kasama ang My Special Tatay lead actor na si Ken Chan.

19

Related posts

Leave a Comment