ANGEL LOCSIN NAG-SORRY SA MGA TAGA-GENSAN

rey pumaloy(NI REY PUMALOY)

BINIGO ni Angel Locsin ang mga taga-GenSan na makita siya nang personal.

Dahil dito, humingi ng paumanhin ang Kapamilya at “The General’s Daughter” star sa Twitter post niya sa hindi niya pagdating sa event na dapat niyang dadaluhan.

Malaki ang rason ng hindi pagsipot ni Angel sa GenSan. Naka-attach sa kanyang tweet ang doctor’s diagnosis na nagkaproblema si Angel sa kanyang kaliwang muscle ng kanyang likuran.

“Parathoracic Muscle Strain left and difficulty in breathing” ang nakasulat sa test kay Angel.

Nakasulat sa test na “3 days” ang kinakailangang gawing pahinga ng aktres.

Hindi sinabi ni Angel kung paano at saan niya nakuha ang problema nito. Mas nag-focus ang Kapamilya star sa paghingi ng pang-unawa sa dismaya na naramdaman ng kanyang mga tagahanga sa hindi niya pagdating.

“I’m so sorry GenSan (cry emoji) Super excited pa naman akong makasama kayo (cry emoji) don’t worry, I’m okay…masamang damo alam n’yo na… hehehe. Pero babawi po ako sa inyo pagpunta ko po diyan. Promise po magpapa-raffle ako sa show (cry emoji),” ‘yan ang tweet ni Angel.

Nanghinayang man ang mga tagahanga ni Angel, inunawa naman ng mga ito ang kanyang kalagayan at sinabing naiintindihan naman daw nila ang dahilan, sabay pag-wish na sana ay guma­ling agad ang hinahangaan nilang aktres.

119

Related posts

Leave a Comment