ANGELICA PANGANIBAN SINAGOT ANG ‘LASPAG’ COMMENTS

angelica panganiban

ISANG screenshot ng group chat ang pinost ng FashionPulis blog nitong Sabado. Pinag-usapan sa chat na iyon ang mga lalaking “dumaan” kay Angelica tulad nina John Lloyd Cruz, Derek Ramsay at Carlo Aquino. Tinawag din siyang “laspag” sa chat.

Sinagot ito ni Angelica sa Instagram Stories post niya, at in-address niya ito sa isa sa mga chatters: “Dear Margaux, alam mo kung sino ka. Alam mo rin ang mga sinabi mo. May mga nagawa ako noong bata ako, na hindi ko mapagmamalaki.

Naging matabil ako. Nagsasalita ng hindi nag-iisip. Kaya, naisip kong magbago. ‘Yung kahit anong mangyari sayo, wag na wag kang magsasalita ng masakit laban sa ibang tao. Lalung-lalo na sa kababaihan.

“Hindi natin dapat hinihila pababa ang isa’t isa. Wag kang manakit ng tao. Lalo na at wala akong ibang pinakita sa inyo kung hindi kabutihan. Lalo na sayo. Hindi kita kapamilya o kaibigan, pero kahit minsan, hindi kita binastos.” Tapos nito ay nag-share si Angelica ng quote na “Never apologize for being a powerful f**king woman.”

 

192

Related posts

Leave a Comment