ARJO DEDMA SA BASHERS

MARAMI ang na-touch sa Facebook post ni Sylvia Sanchez para sa anak na si Arjo Atayde habang nanunumpa bilang Congressman sa district 1 ng Quezon City.

Ang mensahe niya sa anak na isa nang ganap na Congressman:

“Ang saya-saya ng puso ng isang INA kapag nakita niya na nagtatagumpay ang anak niya sa larangang gusto niya.

“Isa ako sa pinakamasayang ina sa araw ng iyong panunumpa bilang congressman ng Distrito Uno ng lungsod ng Quezon City.

“At sa araw na ito, anak, July 1, 2022, ikaw na ang official na nakaupo bilang congressman ng Distrito Uno. Walang mapagsidlan ang kagalakan ko sa tagumpay mo. Ipinaglaban mo ang gusto mo, ang laman ng puso`t isip mo at pinatunayan mong tama ka, Iba ka manindigan anak!!

“Habang pinapanood kita, tinatawanan ko na lang lahat ng pagod, hirap, pangungutya sa `yo at sa pamilya natin dahil bago ka daw at walang alam at artista lang at kung anu-ano pang masasakit na salitang ipinukol sa`yo.

“Lahat ng `yun, napawi habang pinapanood kitang nanunumpa bilang bagong congressman ng Distrito Uno. Napaka-proud ko sa mga oras na yun, pero bilang isang ina habang pinapanood kita, pasensya na, anak, di ko inaalis na manumbalik sa isipan ko na ito ang batang kinutya, pinagtawanan, nilait at hinusgahan pero wala akong nakita o narinig na pambabastos mo sa mga taong bumabatikos sa`yo. Bagkus ang tanging sinabi mo lang sa akin, `Hayaan mo sila Mommy, wag tayo sumabay sa pambabastos nila, hindi tayo tulad nila. Basta ako `andito tumatakbo dahil gusto kong makatulong sa kapwa ko at mas makakatulong ako `pag nasa pwesto ako, I don’t want to be a good politician, I want to be a Good Public Servant.”

“Sige anak, abutin mo lahat ng pangarap mo, gusto mong tumulong sa kapwa mo. gawin mo lahat `yan. Ikalat mo sa Distrito Uno ang Respeto, Pagtitiwala, Pagmamahal. Pag-aalaga, Pagpapahalaga at magtanim ka ng kabutihan sa mga nasasakupan mo at naway gabayan ka ng DIYOS.

“Dito lang kami lagi ni Daddy at ng mga kapatid mo na handang tumulong at aagapay sa`yo.

“Mahalin mo anak at alagaan mo ang mga bagong nagmamahal at nagmamahal pa sa`yo ang buong Distrito Uno.

“Kaka-proud!!! Congratulations, Congressman Juan Carlos Campo Atayde!

“LORD, pakialalayan po anak ko, ha?

“Nak, pahabol, sa bahay tatawagin pa rin kitang Arjo o Gwapo Ogag pero sa labas, tatawagin kita Cong `Nak` Hahaha. Ok ba yun, my Congressman?

“Serve QCD1 well, anak.”

555

Related posts

Leave a Comment