ARJO TO MAINE: ‘MY REASON FOR BEING’

arjo1

I SAY(NI RK VILLACORTA)

SA WAKAS, para sa mga nakakaintindi sa sitwasyon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza, malamang, tulad ko, happy rin sila dahil tinapos na rin ni Maine ang dati’y walang kumpirmasyon na estado nila ng aktor.

Last Saturday, sa birthday salubong para kay Maine na isinagawa sa isang yate, nag-cruise sila sa Manila Bay. Kasama ng mag-sweetheart ang mga kaibigan at pamilya ng celebrant.

“Warm up” lang ‘ika nga ang salubong na naganap, dahil the following day, Saturday, on Maine’s birthday mismo (March 3) ay ang aga ng dalawa sa airport para sa kanilang biyahe patungong Taiwan.

Syempre, dahil sa hayagan na at wala nang dapat itago, nagpo-post na sila sa kani-kanilang mga social media accounts na magkasama sila.

Bago kasi lumabas sa socmed ang sinulat ni Maine sa kanyang blog tungkol kay Arjo at sa estado nila, no photos kang makikita na magkasama sila lang dalawa.

Sa pag-amin ni Maine, ikinuwento ang pagbibisita ng binata sa kanila sa Bulacan, ang meet-up ng binata with Maine’s parents at samu’t saring kumpirmasyon na may “something” na namamagitan sa kanila. Super happy ang ArMaine fans and supporters sa confession na ito.

Maging ang ace photo na si Mark Nicdao, inilabas na rin ang mga photos ng dalawa kung saan magkayakap sila.

Documented ng mga ArMaine fans ang vacay ng dalawa. Maging sina ArMaine, sila mismo ang kusa na nagpo-post ng mga photos nila na magkasama.

Sa black and white photo na magkayakap ang dalawa, all smiles sila at mababasa mong masaya sila. Sa caption ni Arjo sa picture, sinulat niya na: “My reason for being. Happy birthday to my main,” na may red heart icon. Maging si Ormoc City Mayor Richard Gomez ay nag-comment sa photo na iyon nang i-post ko sa FB wall ko: “It’s nice to see happy people laughing and smiling together. Let’s all be happy for them for finding each other.”

 

# # #

Ang akala ko ay okey na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban nang magkamabutihan muli ang dalawa. Kaso, naunsyami ang balikan blues nila na nauwi na lang sa pagi­ging buddy-buddy nila.

Sa katunayan, may non-showbz girl ang aktor na si Trina Candaza, ang siyang tunay at totoong girl sa buhay pag-ibig ng aktor.

Nagsalita na rin si Carlo Aquino tungkol sa babaeng nali-link sa kanya:

“Naniniwala kasi ako na may ibang mga bagay na kailangan mong kini-keep private, para kaya mong tumayo in private.

Ganun na lang ‘yung ginagawa ko,” sabi ni Carlo nang tanungin siya sa grand media conference ng movie nila ni Nadine Luster na Ulan from Viva Films na directed by Irene Villamor.

So far, okey ang estado nila ng kanyang girlfriend. Walang intriga at tsismis.

 

 

12

Related posts

Leave a Comment