NABULABOG nang slight ang netizens dahil sa Instagram post ng isang Beef Pita Doner recently.
May picture kasi ng isang lalaking naka-side view at naka-sumbrero na kung pakatititigan ay masasabing kahawig ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz!
Ang nakakaintrigang photo caption: “Hindi lahat ng umaalis, hindi na babalik… Minsan kailangan lang ng pahinga… BABALIK NA! Ano at sino? Malapit na malapit na.”
Lalong umigting ang espekulasyon sa pagbabalik-showbiz circulation ni Lloydie nang mag-Insta post si Piolo Pascual patungkol kay JLC nitong Martes, April 2.
“If that’s you i’m happy coz ur my brother. Welcome to the family!” ang maikling linyahan ni Papa P.
Base sa hashtags ni Beef Pita Doner at sa himig ng pananalita ni Piolo, mukhang makakasama niya si John Lloyd bilang product endorser ng isang shawarma brand.
Backgrounder: Si Piolo ang pumalit kay John Lloyd sa family sitcom nitong “Home Sweetie Home (HSH)” sa Kapamilya Network.
Since October 2017, naka-indefinite leave sa showbiz si John Lloyd, kasunod ng kontrobersiyal na Bantayan Island (Cebu) escapade nila ng “HSH” co-star na si Ellen Adarna.
During his showbiz hiatus, umugong ang balita na buntis si Adarna at si Cruz ang ama (who else?).
Nu’ng June 2018, nagluwal si Ellen ng isang healthy boy na pinangalanang Elias Modesto — named after, and in loving memory of, the sexy star’s late father.
Finally nu’ng October 2018, umamin na si John Lloyd na may anak na nga sila ni Ellen.
Kahit hindi (pa uli) active sa showbiz ang love couple, paminsan-minsan ay nasa-sight ng publiko si John Lloyd na mukhang enjoy naman sa kanyang pribado at simpleng pamumuhay bilang isang “commoner”.
# # #
Pambihira ang pagkakataong mapagsama-sama ang tatlo sa pinakamahusay na internationally acclaimed Pinoy filmmakers na sina Brillante Mendoza (Cannes Film Festival 2009 Best Director), Kidlat Tahimik (pinakabagong National Artist for Film), at Lav Diaz (kilala sa kanyang super-long, mostly award-winning, films).
Silang tatlo ang director ng trilogy na Lakbayan, opening film ng Sinag Maynila 2019. Sa limang taon ng naturang film festival, or in the history of movie festivals in the Philippines, first time na isang “three-in-one” movie ang napiling festival opening film.
Ang Lakbayan ay isang omnibus film na binubuo ng tatlong kuwento: Desfocado ni Mendoza, Hugaw ni Diaz, at Lakaran Ni Kabunyan ni Tahimik.
Mapapanood ito gayundin ang official entries sa Sinag Maynila Film Festival simula ngayong araw, April 4 hanggang April 9 sa mga sumusunod na sinehan: SM North Edsa, SM Megamall, SM Manila, Gateway (Cubao), Cinema ‘76 (Anonas and San Juan), Black Maria (Mandaluyong), Cinema Centenario (Diliman QC), and Cinematheque Centre (Manila).
336