GRETCHEN HO, MEDIA, INISNAB NI MAYWEATHER

mayweather

ANG  media at fans ng boxing champ na si Floyd Mayweather Jr. ay naghintay nang mahigit sa walong oras nitong Martes (April 2), pero walang sumipot na Mayweather.

Ang dating pound-for-pound king ay naka-schedule na humarap sa media sa isang press conference na itinakda ng 3pm, pero hindi nga ito nakadalo.

Wala namang ibinigay na dahilan ang kampo ng boksingero kung bakit hindi ito dumating sa usapan. Pangalawang bisita na ito ni Mayweather sa Pilipinas. Ang unang bisita niya ay noong May 2018. Isa sa mga nag-post ng pagkadismaya sa nangyari ay ang journalist na si Gretchen Ho. Sabi niya sa kanyang post: “I will never forget this day.”

104

Related posts

Leave a Comment