BEA ALONZO, GERALD ANDERSON, NAGKAKALABUAN NA NGA BA?

bea77

(NI JONATHAN ANG)

NAALARMA nang slight ang online followers ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram story kamakailan.

Dalawang quotes ni Bea ang nakatawag-pansin sa mapanu­ring netizens:

1) “Something I learned about people… If they do it once, they’ll do it again” and

2) “God never wastes a hurt.”

Nasundan ito ng black photo na may ganitong caption: “You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice. ENOUGH.”

Kaya nga ba nag-conclude ang ilang observers na tila patama ni Bea kay boyfriend Gerald Anderson ang kanyang latest kuda sa Instagram at mukhang nagkakalabuan na nga silang dalawa.

Nevertheless, sapat ang words of comfort and encouragement na ipinahatid ng kanyang supporters sa nabanggit na Insta post.

Huling namataan ng publiko si Gerald sa recent birthday celebration ni Rayver Cruz. Present dun ang celebrity friends ni Rayver, including Julia Barretto na leading lady in his latest film Between Maybes. Bea was noticeably absent at the said party.

‘Yun na!

BENJAMIN ALVES NAMAGA ANG MUKHA SA SAMPAL AT SUNTOK NI SANYA LOPEZ

Keribels na yatang bansagang ‘Sampalan Queen’ o ‘Sexiest Ombagera’ itong si Sanya Lopez dahil sa umano’y 22 sampal na may kaakibat na suntok na pinalasap niya kay Benjamin Alves sa kanilang GMA-7 afternoon soap Dahil sa Pag-ibig.

Sa Episode 42 ng naturang teleserye na umere nung Hulyo 16, tumatak ang matinding eksena kung saan sumambulat na ang malaking galit na kinikimkim ni Mariel (karakter ni Sanya) matapos madiskubre ang namamagitan sa kanyang asawang si Eldon (Benjamin) at Portia (Winwyn Marquez).

Grabeng 20-plus na ‘pananakit’ kay Benjamin, na bilang na bilang ng DSP cast & crew! Hahaha!

“Hindi siya masakit… Hindi siya, ah, ah, aray!” birong sabi ni Benj sa Instagram.

Aminado ang 30-year-old Kapuso hunk na namaga ang kanyang mukha sa mga sampal ni Sanya at kailangan agad lapatan ng yelo. “Penge pa ng ice! May PTSD pa ako kay Sanya, este Mariel,” pabirong hirit pa sa kanyang Insta post.

Gym buff at well-trained sa boxing si Sexy Sanya kaya hindi kataka-takang ininda talaga ni Benjamin ang ‘pang-oombag’ sa kanya ng dalaga.

 

 

 

109

Related posts

Leave a Comment