BIANCA UMALI, BENJAMIN ALVES KAPURI-PURI ANG TIYAGA

biancaumalis12

SCENES(NI ROMMEL GONZALES)

DAPAT  tularan si Bianca Umali ng ibang mga kabataang artista!

Kamakailan kasi ay nagtapos ang Kapuso actress ng Senior High School sa Veritas Catholic School sa BF Homes, Parañaque City. Ito’y sa kabila ng kaabalahan ni Bianca sa pag-aartista bilang isa sa pinaka-in demand na aktres sa ngayon.

Para sa isang artistang busy sa kanyang showbiz career, hindi nga biro ang pinagdaanan ni Bianca para lamang makapagtapos ng pag-aaral.

Sa isang taon ay magsisimula naman si Bianca sa college, na isa pa ring malaking challenge para sa kanya dahil mas mahirap kung maituturing ang kolehiyo.

Malamang naman ay kakayanin ito ng dalaga, tulad ni Thea Tolentino na kahit busy sa showbiz career ay naisasabay ang pag-aaral ng kursong Public Administration sa Trinity University Of Asia; fourth year college student na si Thea.

Bida si Bianca sa “Sahaya” ng GMA katambal si Miguel Tanfelix bilang si Ahmad.

###

Isa pang kapuri-puri ay Benjamin Alves dahil sa ikaapat na taon ay pumirma ng kontrata ang Kapuso actor bilang ambassador ng GMA Network Excellence Award (GNEA). Ginanap ang contract signing nitong March 28 sa GMA Network Center.

Ayon kay Benjamin…

“Every year, we try to find more ways to connect with students.

“This year, with the help of GMA Regional TV, we’re doing the Kapuso Masterclass Series where we’ve been able to spread the word and awareness to Cebu, Bukidnon, and Davao.

“It’s been great being more involved and connecting with students all over the country.”

Hindi naging madali kay Benjamin ang i-maintain niya ang kanyang grades sa school kasabay ng mga naging trabaho niya. Ipinagmalaki niya ang mga pinagdaanan niyang paghihirap para mapanatili ang kanyang pagiging isang scholar sa school.

Noong 2012 ay nagtapos si Benjamin bilang summa cum laude sa University of Guam ng kursong English Literature.

Ayon naman kay GMA Network Chairman and CEO Atty. Gozon na namuno sa mga sumaksi sa contract signing ni Benjamin, role model si actor sa mga kabataan ngayon, lalo na ng mga working student.

“Apat na taon na siyang ambassador and we’ve been very happy with his involvement in GNEA. He has been a very appropriate choice dahil sa tunay na buhay, si Benjamin ay hindi lamang mahusay na artista, isa rin siyang scholar at summa cum laude graduate.

“He is a worthy role model to students across our nation.”

Dalawang awards ang ipapamahagi ng GMA Network to the outstanding graduating students of Communication (Mass Communication, Multimedia Arts, or Advertising) and technology-based courses (Electronics and Communications Engineering, Computer Science, Computer Engineering and Information Technology).

Ang nominasyon para sa academic year 2018-2019 ay open hanggang May 15.

 

 

87

Related posts

Leave a Comment