(NI KC GUERRERO)
MARAMING ganap sa Baguio City last weekend dahil Panagbenga Festival 2019.
Napakalaki ng balitang binato raw ng bote ng mineral water si Bong Revilla habang pumaparada noong Sabado sa mga lansangan ng City of Pines.
Ang iba pang mga kandidato na namataan namin ay sina Lito Lapid, at Bong Go.
Sa unang araw ng flower festival ay mayroong street dancing competition. Second day naman ay ginanap ang contest ng floats.
Send ko sa ‘yo My fave editor BenThought ang video ko na tinitilian ng fans si Bong Revilla.
Taun-taon since 2016 ay sumasakay sa float si Coco Martin para sa “FPJ’S Ang Probinsiyano,” ang longest-running action teleserye ng ABS-CBN.
This year, nag-inquire kami sa manager ni Coco kung sa Baguio City ba ang aktor. Waley raw, ang tugon ni Biboy Arboleda, ang talent manager niya. Nasa Abra raw sila for another festival.
In full force ang cast ng “The General’s Daughter” kasama ang main stars na sina Angel Locsin, Paulo Avelino at JC de Vera.
Sa bisperas ng Panagbenga, nag-show ang mga Kapamilya. Confirmed namin marami talagang fans si Donny Pangilinan, anak nina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa. “Pambansang husband” ang tawag sa kanya ng mga fantsina, dahil daw marami raw ang nangangarap na maging husband siya.
# # #
May sumpa ba ang pangangampanya sa Panagbenga nang sobra-sobra?
Saksi ako nang ang kaibigan naming congressman ay nangarap na itanim siya ng mga mamamayan sa Senado.
Sa Panagbenga ay very high-profile ang campaign ng kaibigan namin. Siya lang ang may sariling helicopter na dala. Nagpaulan siya ng fliers at election paraphernalia.
Nalanta ang kaibigan namin. Hindi namukadkad sa Senado. Pero balik sa Lower House siya ngayon.
Happy days are here again ang theme song nila ni Ma’am.
# # #
Nangarap ang tatlong candidate sa pagka-senador na maging easy ang pangangampanya nila sa Panagbenga.
Kahit may ban ng campaigning sa Panagbenga andoon pa rin si former actor at Sen. Lito Lapid at former Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.
Nakita mo naman my have editor BenThought, most of the time ay tinitilian si ex-Sen. Bong. Cheers mostly ang natatanggap niya.
Pero habang naglalakad siya lagpas ng Igorot Park ay binato siya ng bottled water.
Sanay na ang mga artista sa mga ganoong eksena. Kaya deadma siya.
Kamakailan lang ay na-acquit si Bong sa plunder charges mula sa pork barrel scam.
Kahit may ban sa pangangampanya andoon sila sa imbitasyon ng isang local councilor ng Baguio City.
Pero kitang-kita mo, BenThoough, ang video namin kay Bong Revilla: mostly ay tinitilian siya.
Ibang artista nga ay sexually molested pa ng mga fans pag nakalingat.
Sa isang bayan sa Iloilo nang hindi pa sikat na sikat si Daniel Padilla ay dinakma ng baklush fan ang kargada ng Box Office King!
Kaya sa mga sumusunood na appearances ni Daniel ay mahigpit na ang security sa mga out-of-town shows ni DJ.
212