CATRIONA, PIA NAG-BONDING SA NEW YORK CITY

catpia12

cat12DALAWANG Miss Universe winners mula sa iisang bansa, Pilipinas, ang nag-girls’ night out sa New York City.

Nangyari ito nitong weekend lang, nang sina Catriona Gray at Pia Wurtzbach ay nag-share ng isang gabi sa ‘city that never sleeps’ kasama ang isang common friend nila na si Esther Swan (nakaupo sa gitna ng larawan). Si Swann ay ang manager ng mga nanalong Miss Universe beauties.

Siya ang humawak sa career ni Pia nung reigning Miss Universe pa ito, at ngayon naman ay si Catriona ang kanyang mina-manage. Sa kanyang Instagram Stories photo kasama ang 2015 and 2018 Miss Universe winners, nilagyan niya ito ng caption na: “My legacy.”

Ang tatlo ay nakasalo rin ni Miss Universe Organization president Paula Shugart at ang kapapanalo lang na Miss USA na si Cheslie Kryst (nasa kaliwa ng larawan). Dahil reigning Miss Universe si Catriona, isang taon siyang naka-base sa New York City. Si Pia naman ay naroon para sa series of work, kasama na ang pagdalo sa isang charity event.

87

Related posts

Leave a Comment