‘DI RAW AFFECTED ANG CAREER NI JULIA BARRETTO? WEH?!

ronnie(RONNIE CARRASCO III)

LIKE  a commodity na sapilitang ibinebenta sa amin — close to ramming down our throats — ay ayaw naming bilhin ang eklay ni Julia Barretto na hindi RAW nakaapekto sa kanyang career ang masagwang tingin ng publiko sa kanya for disrespecting immediate kin older than her.

Tulad ng alam ng marami tungkol sa never-ending saga ng Barretto family, walang paggalang niyang hinarap si Claudine, mismong tiyahin niya, sa burol ng kanyang lolo.

In a recent interview, sinabi ni Julia na, “Mabait sa akin ang Diyos.” Patungkol ‘yon sa ginagawa niyang IWant TV series, which means she has a career going for her.

By ginagawa means it’s happening at present. But when the TV series was offered to her ay hindi pa nabalita ang mga kaganapan sa burol. Entonces, the effect of her (mis)behavior at the wake remains to be seen.

Hintayin muna ni Julia na matapos niyang gawin ang serye, and let her entertain divine thoughts that she can pull off some miracle tungkol sa nanganganib niyang career.

Meanwhile, a keen showbiz observer-friend shares the same thoughts sa kung ano pa ang extent ng sigalot sa pamilya Barretto. This is one running story kasi na ‘yung akala mong pinaka-latest (pardon the redundancy) updates na ay hindi pa pala.

Each passing day offers fresh developments if shocking revelations making it hard for anyone to tell facts from myths.

Siyempre, sa dulo nito’y dalangin ng marami that there’d be closure to all this. Nakamatayan na nga naman ng Barretto patriarch ang namamagitan sa kanyang mga anak, here’s hoping Gretchen, Marjorie and Claudine take care of their other surviving parent (si Mommy Inday).

Naalala namin ang sinabi noon ni Mommy Inday many years ago about her letter to Gretchen noong kasagsagan ng hidwaan nilang mag-ina. Bilin ng Barretto matriarch na ipabasa lang ‘yon kay Gretchen once she’s gone.

It’s peacetime now sa pagitan ng mag-ina. Like a reversal of fortune, it’s Mommy Inday (plus Gretchen and Claudine) versus Marjorie now. Itinapon na kaya ng ina ang pinakatagu-tagong sulat para sa anak for the longest time?

May bago na kayang addressee ito sa katauhan ni Marjorie?

Pero kung sa mata ng ina ay si Marjorie ang pinaka-“at fault,” gagaan tiyak ang kanyang kalooban sa nagkakaisang opinyon ng mga nakapanood ng interview niya kay Karen Davila “as the one who’s mostly telling the truth.”

###

Tuwing sasapit ang kanyang birthday (just recently), Joey de Leon makes it a point to fly to some foreign land para doon magdiwang kasama ang kanyang family.

Sa nakaraan niyang kaarawan, piniling bumiyahe ni Tito Joey sa Turkey.

Nagkataon namang hindi pa ready for occupancy ang kanyang tahanan sa Green Meadows which is under construction. Back then, nasa ikalawang palapag natutulog ang komedyante.

Once fully constructed, sa ground floor na raw matatagpuan ang silid-tulugan ng isa sa mga “Eat Bulaga!” hosts.

Tanong namin sa aming source, “Why there?” Siyempre nga naman daw, hindi na kayang magpanhik-panaog ang septuagenarian comedian for physical reasons.

“Spaghetti pababa”?

 

99

Related posts

Leave a Comment