ERICH AND JULIA: TUNAY NA MAGKAIBIGAN

julia22

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

TOTOONG Julia and Erich are two of our celebrities who share real friendship, even off-screen. Subok na ang kanilang pagkakaibigan. Magkahawak-kamay ang magkaibigan during the procedure na napakagandang tingnan dahil pinatunayan ni Erich na she’s willing to give her friend a hand to hold on sa oras na kailangan siya nito. Kapamilya star Julia Barretto underwent a minor eye procedure na kinumpirma mismo ng kanyang inang si Marjorie Barretto. At pinatunayan ng isa pa ring Kapamilya actress kung gaano niya kamahal at ka-importante sa kanya ang friendship nila ni Julia dahil mas pinili niyang samahan ang kanyang BFF during her eye procedure instead of taking a rest after a busy and tiring day.

Kaya naman bilang pasasalamat ni Marjorie Barretto sa nakitang pag-aalaga at suporta ni Erich sa kanyang anak, she shared photos on her Instagram account where Julia was seen reaching Erich’s hand while undergoing eye procedure and wrote in the caption: “With only 3 hours of sleep, @erichgg came to hold Julia’s hand during a minor eye procedure. So happy to have supportive people around us.”

Pinasalamatan din ni Julia ang kanyang BFF on her Instagram stories. “BFF award. appreciate you, @erichgg. “ Na sinagot din ni Erich sa kanyang IG stories…..

“Loveyou, my Chuli,” tawag niya kay Julia.

                                                                                                 # # #

“The General’s Daughter” lead actress Angel Locsin remains quiet at mukhang walang balak magsalita regarding the rumored walkout incident that happened during the show’s taping. Nilinaw ni JC de Vera na hindi niya ka-eksena ang aktre nang mag-walk out ito. Pero inamin niyang nakatanggap siya ng text message from Angel saying “sorry…..”

Itinanggi na ng ibang cast members ang walkout, pero iba rin ang paliwanag ni JC.

“Alam ninyo, marami kaming tulog that time at nu’ng nangyari ‘yung time na ‘yon, lahat kami tulog. Then when we woke up, tapos na. Clueless kaming lahat. So kung tatanungin ninyo ako kung ano ang nangyari, hindi ko alam,” paliwanag ni JC. Tahimik daw ang lahat nang magising siya. Pero kahit umalis na raw si Angel sa set, hindi na-pack ang taping.

“Nu’ng nagising ako, hindi na ako nagtanong. Kumbaga, hindi siya dapat pagtsismisan. Malaki ang respeto namin kay Angel. Nag-send siya ng text message sa lahat na she was sorry at pasensiya na sa abala, I replied personally na sabi ko, ‘Okay lang. I understand kung anuman ang nangyari.’ Baka malaking misunderstanding,” pagdidiin niya.

Naiintindihan namin kung hindi man niya diretsong masabi ang totoong nangyari dahil marami siyang masasagasaan. Ang importante ay ginagawa nila ang lahat para pagandahin ang palabas nila kaya naman consistent top rating ang “The General’s Daughter.”

 

 

 

 

 

 

 

 

21

Related posts

Leave a Comment