GERALD HINDI DINAMAYAN SI JULIA; JOSHUA NAGBABAD SA LAMAY

PETERLEDESMA(NI PETER LEDESMA)

NASENTRO sa away nina Gretchen at Marjorie Barretto ang issue nang magkagulo ang magkapatid sa wake ng kanilang Daddy Mike (Miguel).

Kaya hindi naisulat o napansin ‘yung pagpunta ni Joshua Garcia sa lamay para damayan ang kanyang former girlfriend na si Julia Barretto. Sobrang nagdadalamhati ang dalaga sa pagkawala ng kanyang Lolo Pikey (tawag ng young actress sa lolo). In fairness, nagtagal daw talaga si Joshua na inalalayan pa si Julia kaya marami ang natuwa sa gesture nito.

Pero ang talagang hinanap daw sa burol ay ang rumored boyfriend ni Julia na si Gerald Anderson na bago mamatay si Mr. Miguel ay namataan pa ang dalawa sa isang birthday party na magkasama. Siguro naging mautak lang si Gerald dahil kapag nagpakita siya sa wake ay kumpirmasyon na iyon na sila na nga ni Julia. Eh, di lalo silang masisira ng aktres sa mata ng publiko.

Komento ng ilang netizens, parang walang balls itong si Gerald na hindi maipaglaban ang pagmamahal niya kay Julia.

How true, ‘yung teleserye ng actor sa ABS-CBN ay stop raw muna ang taping at baka next year na raw ito maipalabas? Oo nga naman sa susunod na taon ay siguradong makakalimutan na ng tao ang sumabog na issue sa love triangle nina Gerald, Julia at Bea Alonzo na ang simpatiya ng tao ay na kay Bea lahat.

###

Malakas ang “Target On Air” ng radio commentator na si Ka Rex Cayanong at matagal na ito sa ere.

‘Yung Facebook Live ng show ni Pareng Rex ay napapanood din sa YouTube. Dito, inuupakan niya ang mga tiwaling opisyal gayundin ang kabastusan ni Vice Ganda kaya umani ito minsan ng 500K views.

Patas ang kanyang programa. Kapag may dapat purihin na government official na maayos ang serbisyo sa kanyang kinasasakupan ay sumasaludo siya rito. In fairness, sa lakas ng show ay lumi-level na si Cayanong sa mga sikat nating broadcasters at pinagkakatiwalaan siya ng mga bigating politiko at nagpapa-interview sa kanya.

Tuwing Sabado. 1pm-2pm ay mapapakinggan niyo siya sa Radyo Pilipinas Dos DZSR, 918 sa inyong AM radio dial.

 

121

Related posts

Leave a Comment