HEART, SUNUD-SUNOD ANG INTERNATIONAL MOVIES

heart12

SAKSI AKO copy(NI KC GUERRERO)

ACTRESS, visual artist at ngayon ay creative director ng Kamiseta. Heart Evangelista announced on her Instagram post last Women’s Day: “I’m so overjoyed to be part of this family.”

Hindi ito ang unang work ni Heart sa Kamiseta.

Ito na nga, BenThought, saksi ako nang ini-announce ni Love Marie Ongpauco-Escudero ang kanyang second collection na collaboration sa Kamiseta, na nagtatampok ng kanyang  artwork in different pieces of clothing.

Sumikat si Heart as Kapamilya bilang love interest of Jericho Rosales bago pa nagkaroon ng Kristine Hermosa. Naging most sought-after-young-star siya at naging bida sa mga teleserye ng GMA-7.

Pinalawak pa ni Heart ang kanyang repertoire na kasali na ang  visual arts – mula sa  paintings on canvas hanggang sa designer bags.

                                                         ‘YOU SHOULD MARRY THE RIGHT ONE’

Markado sa amin ang sinabi  ni Heart nang makausap namin siya para sa Saksi Ako bilang creative director ng Kamiseta.
Sabi ni Heart, “I think you should marry the right one.”

Obvious kasi na happy ang Kapuso actress. Malaking bagay raw talaga na pinakasalan niya ang tamang tao para sa kanya, which is of course, si Senator Chiz Escudero na running naman ngayon bilang governor ng Sorsogon.

Hindi raw nakakasama si Heart sa halos lahat ng sorties ng asawa, pero naiintindihan daw ito ni Sen. Chiz. Nirerespeto raw ng Mister niya na marami siyang commitments.

Ang dami ngang pinagkakaabalahan ni Heart ngayon. Bukod sa natapos niyang project sa China (na hindi raw sequel ng Crazy Rich Asians), paalis siya papuntang America next month for another international movie. One month siya roon.

Then, by Holy Week, nasa China na naman siya for another project. Puro movies nga si Heart ngayon kaya mukhang ang fans niya ay matatagalan pa bago siya mapanood muli for another teleserye in GMA-7.  Tahasang sinabi ni Heart na wala siyang gagawin this year.

Kung naiintindihan ng asawa niya ang schedules niya, thankful din si Heart sa GMA-7 dahil very supportive ito sa mga kailangan niyang gawin.

Hayan pa nga ngayon ang pagiging creative director niya ng Kamiseta na in fairness, talaga namang classy. Malaking bentahe ng mga paintings ni Heart na hindi na lang sa canvass at bags puwedeng makita, pati na rin sa mga damit at ilang Kamiseta items.

Kilala ang Kamiseta owner na si Ms. Cris Roque na top-of-the-line ang taste.

Puro mga sikat na international stars ang kinukuha niyang endorser. Aba, kahit creative director nila ngayon, global na rin sa mga unannounced international projects, huh!

Dugtong pa ni Heart sa aming almost exclusive interview na dapat isa-feeling ng mga kababaihan: «If you feel confident about yourself, about everything, everything will come into place perfectly.”

92

Related posts

Leave a Comment