Sa araw na ito ng Martes, January 7, 2020 magtatapos ang ika-45th Metro Manila Film Festival at bukas, January ay ihahayag na sa publiko ng MMFF executive committee ang resulta ng two-week filmfest mula sa over-all gross at individual gross ng walong pelikulang kalahok.
Tila imposibleng maabot ang target ng MMFF na P1-B although sinasabi ng aming source na doable umano ito considering na hindi gaanong pumalo sa takilya ang iba pang entries at hindi ganoon kalaki ang share ng mga pelikula nina Coco Martin at Vic Sotto at ang inaasahang performance ng movie nina Vice Ganda at Anne Curtis na malamang umabot lamang ng P300-M.
Idinagdag ng aming source na aabot umano ng P500-M ang pelikula ni Aga na inaasahang magkakaroon ng extension sa ilang sinehan plus yung screening ng movie sa iba’t ibang bansa including South Korea.
Anyway, malalaman natin bukas ang official and actual figures ng walong pelikulang kalahok.
SOBRANG NAKABAWI SI AGA
Sumugal si Aga Muhlach bilang co-producer sa pelikulang “Miracle in Cell No. 7” which he co-produced with Viva Films.
Nag-number 1 sa MMFF ang movie ni Aga kaya masayang-masaya ang mister ni Charlene Gonzales at ama ng kambal na sina Andres at Atasha.
Hindi man gaanong pumalo sa takilya nung isang taon ang balik-tambalan nil ani Alice Dixson, ang “Nuuk” na pinamahalaan ni Veronica Velasco at kinunan pa sa Greenland, sobrang nakabawi si Aga at ang Viva sa “Miracle in Cell No. 7” na talaga namang nag-milagro sa takilya at naungunahan pa nito ang consistent No. 1 sa takilya ng MMFF na si Vice Ganda na nag-slide down sa number 2.
Kapag umabot sa P300-M ang “The Mall, The Merrier’ nina Vice at Anne Curtis, mababa ito kumpara sa mga naunang MMFF movies ni Vice since 2013 na nasa more than P400-M to P500-M and almost P600-M ang inabot.
To date, wala pa ring makakatalo sa record na naitala ni Vice sa MMFF kung ang gross ng kanyang mga pelikula ang pag-uusapan.
Although si Aga ang bagong MMFF King, magiging malaking challenge ito sa kanya kung ito’y mauulit sa mga susunod na filmfest this at sa mga susunod pang mga taon.
Speaking of Aga, may bagong project itong sisimula sa bakuran ng Viva Films na pamamahalaan pa rin ni Direk Nuel Naval na siyang nagdirek ng “Miracle in Cell No. 7” na local adaptation ng hit Korean movie in 2013 of same title.
Samantala, ginagawa ngayon ng Viva Films ang kanilang ikatlong Korean movie adaptation sa pamamagitan ng “Hard Day” na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at John Arcilla na pinamamahalaan ni Lawrence Fajaro with Direk Joyce Bernal as creative producer.
Nauna na rito ang “Miss Granny” na pinagbidahan ni Sarah Geronimo in 2018 at kasunod itong “Miracle in Cell No. 7” na pinangunahan naman ni Aga.
MALABO ANG BELA-JC OFFSCREEN
Biniro namin ang writer-actress na si Bela Padilla na may posibilidad na silang dalawa ni JC Santos ang magkatuluyan dahil parero pa rin silang loveless hanggang ngayon. Pero ipinagdiinan ni Bela na malabo umano itong mangyari.
Matapos magtambal nina Bela at JC sa dalawang Pista ng Pelikulang Pilipino o PPP movies na “100 Tula Para Kay Estela” in 2017 at “The Day After Valentine’s” in 2018 na parehong sinulat at dinirek ni Jason Paul Laxamana, may bagong movie na pinagtatambalan ang dalawa under Viva Films, ang “Vodka, Beers and Regret” na sinulat at dinirek ni Irene Villamor. Si Direk Irene ang director ng hit movies na “Camp Sawi,” “Sid & Aya (Not A Love Story),” at “Meet Me in St. Gallen”.
Ang “Vodka, Beers and Regret” ay siyang pambungad ng Viva Films sa taong 2020 na nakatakdang ipalabas sa darating na February 5.
Still on Bela, nakatakda nitong gawin ang kanyang directorial debut under Star Cinema na siya rin ang sumulatat kung siya’y papalarin, gusto niyang idirek si Liza Soberano.
BALIKANG JOEM AT MERYLL, UNSTOPPABLE
Walang alinlangan na nagkabalikan na nga ang dating magkasintahang Meryll Soriano at Joem Bascon matapos makita ang dalawa na magkasamang umalis mula sa Gabi ng Parangal ng MMFF last December 27 at makita ang actor sa family picture ng pamilya ni Meryll sa paghihiwalay na taon o media noche which was posted by Meryll’s uncle, ang actor-comedian na si Mel Martinez na nakababatang kapatid ng tiyahin ni Meryll na si Maricel Soriano.
Pinaniniwalaang muling nagkalapit sina Meryl at Joem nang magsama ang dalawa sa pelikulang “Culion” at primetime TV series na “Kadenang Ginto”.
Sina Meryll at Joem ay naging magkasintahan sa loob ng isang taon nang sila’y mapasama sa TV series ni Bea Alonzo na “I Love Betty La Fea” pero nagkahiwalay din sila.
Matagal namang naging kasintahan ni Joem ang kanyang dating live-in partner of eight years, ang non-showbiz na si Crisha Uy pero nagulat ang marami nang sila’y magkahiwalay nung isang taon at binalikan ng actor ang dating kasintahan na si Meryll Soriano.
Si Joem ang nanalong Best Supporting Actor sa nakaraang Gabi ng Parangal ng MMFF for the movie “Write About Love” kung saan din nanalong Best Supporting Actress ang singer-composer-turned actress na si Yeng Constantino. Nominado rin si Meryll as Best Supporting Actress for “Culion” pero ito’y napunta kay Yeng.
Mukhang natupad ang kasabihang “love is lovelier the second time around” sa pagitan nina Meryll at Joem.
Si Meryll ay matagal nang hiwalay sa kanyang ex-husband actor na si Bernard Palanca kung kanino siya may isang anak na si Elijah Pineda na isinilang nung August 2007. At that time ay hiwalay na sina Meryll at Bernard pero dumating si Bernard sa hospital pagkapanganak ni Meryll kasama ang inang si Pita Revilla-Palanca.
Si Meryll ay panganay na anak ng game show host-producer na si Willie Revillame sa nakatatandang kapatid ni Maricel Soriano na si Bec-Bec Pineda. (INSIDE OUT / Aster A. Amoyo)
338