JINRI PARK KUMASA SA BASHER NA NANLAIT SA BF

rey pumaloy(NI REY PUMALOY)

IPINAGTANGGOL ng Korean sex goddess na si Jinri Park ang kanyang Pinoy fiancé.

Pinintasan ng isang basher ang photo posting ni Jinri habang yakap-yakap nito ang kasintahan.  Kuha ito sa isang out of the country get-away nilang dalawa. Sa caption sinabi ni Jinri na araw-araw niyang nami-miss ang Pinoy fiancé.

Hindi raw guwapo at hindi raw bagay si Jinri sa kasintahan.

Mabilis namang ipinagtanggol ni Jinri ang boyfriend: “Excuse me but my fiancé is very guwapo and I’m lucky to have him.”

ALEX KINAIINGGITAN

Kinaiinggitan ngayon ng mga beki at mga babae si Alessandra De Rossi sa pagkakaroon niya ng movie project with Piolo Pascual.

Bukod kasi sa madalas niyang makasama ang hunk actor, palagian nang nakikita ni Alex ang kamachohan ni Papa P.

Sa isa sa latest posts ni Alessandra ng kinukunang scene nila ni Piolo, naka­lantad ang chiseled body ng aktor habang nakatapis lang ng tuwalya.

Pinagtitripan ni Alessandra ang pagkakataong nakahubad sa harap niya si Piolo at pabirong hinawakan nito ang tagiliran ng huli.

Sey ni Alex sa larawan, nakikidaan lang daw siya sa likod ni Piolo at hindi sadyang mahawakan ang muscles sa baywang nito.

Tawang-tawa si Piolo sa paandar ni Alex sa sitwasyon dahil alam niyang pinagtitripan lang siya ng kapareha.

Paanong hindi kaiinggitan si Alex, binabayaran na siya sa trabaho niya, libre pa ang paghawak sa kamachohan ni Piolo at leading man pa niya sa pelikula! Hindi pa naipo-post kung merong bed scene o kissing scene sa shooting nilang dalawa.

Siguradong ngangatngatin ng inggit, selos at baka isumpa pa si Alex ng mga nagwa-water sa kakisigan ng kanilang idol dahil nalawayan ito ng aktres.

 

114

Related posts

Leave a Comment