JUDY ANN SANTOS, ‘DI NA API-APIHAN

KILALANG-KILALA at kabisado ni Karla Estrada ang anak na si Daniel Padilla. Alam niyang bago ito LOURDES C. FABIANgumawa ng major decision ay tiyak magkukonsulta ito sa kanya. Very vocal naman si Queen Mother na hindi siya tututol kung totoo ngang balak nang magpakasal ng kanyang anak na si Daniel at ng girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.

Ilang araw na rin kasing pinagpipiyestahan sa social media ang marriage proposal umano ni Daniel kay Kathryn nang magbakasyon sila sa Japan.

“Okay lang, wala naman akong (tutol). Right age na sila. Pero ang sinasabi ko, right maturity na ba? Nasa tamang desisyon dapat dumating lahat ‘yan, hindi parang hiniram mo lang tapos puwede mong isoli after,” katwiran ng ng isa sa hosts ng “Magandang Buhay.”

Muli, iginiit niyang biruan lang ang kumalat na proposal umano ni Daniel kay Kathryn kaya sana ay tigilan na ang isyu.

oOo

AMINADO si Andi Eigenmann na mas nahihirapan siya ngayon sa kanyang ikalawang ipinagbubuntis. Sa kanyang Instagram ay nag-post si Andi ng larawan kung saan kita ang kanyang baby bump at ibinahagi ng aktres ang pinagdaraanan. Pero nilinaw niyang hindi siya susuko gaano man kahirap ang pagbubuntis sa anak with surfer boyfriend Philmar Alipayo.

“Have been experiencing every pitfall of pregnancy hormones especially because of the heat. But I will always be a girl of summer and what’s important is, there’s always a bright side to everything!” aniya.

Ang maganda ay suportado si Andi ng kanyang inang si Jaclyn Jose at maging ng half-brother na si Gabby Eigenmann.

oOo

MASAYA at very excited si Judy Ann Santos dahil finally magsisimula na uli ang taping ng “Starla,” ang kanyang comeback teleserye sa Kapamilya network na matagal-tagal na rin nilang inumpisahan.

Halos limang taong nagpahinga sa paggawa ng teleserye si Juday kaya naman understandable kung may kaba man siya at nangangapa dahil matagal din siyang napahinga.

“Ang tagal kong hindi nag-teleserye kaya nung unang sabak, medyo nanibago ako na may regular schedule ako ng taping. Dati kasi walang bakante. Nagtatapos ‘yung isa, nagpa-pilot ‘yung isa. Tapos, first time ko to work with Direk Onat Diaz, and my first time to be directed by Darnel Villaflor.”

Kakaiba ang role niya sa bagong teleserye kumpara sa mga nagawa niya noon.

“First time na ganito ang role ko, akala ko nung una, petiks lang, ‘yung medyo kakaibang role. Hindi pala, kasi umuuwi akong may stiff neck lagi. Nung first three weeks ng taping, lagi akong may stiff neck, kasi tigas ng leeg mo, hindi ka puwedeng masyadong tawa nang tawa. Hindi ka puwedeng mag-punch line, basically wala kang puwedeng i-adlib masyado sa character, kasi nga masyadong strong ‘yung character ko.

“Nae-enjoy ko naman, kasi ibang-iba siya. Parang it’s a nice comeback na at least hindi ito ‘yung api-apihan ako. Ang dami lang effort kasi abogado, mayaman, naka-make-up lagi at naka-blower.” (STARBIZ /LOURDES C. FABIAN)

5

Related posts

Leave a Comment