KELSEY MERRITT, MILYA-MILYA NA ANG LAYO KAY LIZA SOBERANO!

kesley merrit12

(NI REY PUMALOY)

ANG layo na nang naabot ng sinasabing kamukha ni Liza Soberano na si Kelsey Merritt, na dati’y inaakusahan na nanggagaya raw sa nabanggit na Kapa­milya star.

Una, ang pagrampa nito sa Victoria’s Secret ramp show. Siya ang kauna-unahang Pinay na nakatuntong sa ikinukonsiderang pinakamalaking lingerie show sa buong mundo at kinabibilangan ng lahat ng mga gorgeous models.

Pangalawa, kaliwa’t kanan ang imbitasyon kay Kelsey sa mga malalaking events sa US at Europe bilang pagkilala sa kanyang kagandahan.

Pangatlo, lalabas ngayong buwan na ito ang pictorial niya para sa Sports Illustrated magazine, kung saan siya ang featured model. Ang SI ay isa sa pinakamalaking adult-sports magazine sa buong mundo. Lahat ng mga professional models at beauty queens ay nangangarap na ma-feature dito.

Walang duda ring umaapaw sa kaseksihan si Kelsey na mapapanood sa video post niya ng photo shoot ng nasabing babasahin.

Masisilip sa post ang walang kaparis na kaseksihan ni Kelsey, na ang landi-landi habang nakahiga sa white sand.

Maririnig sa video na pinupuri ng photographer ang mga anggulo ni Kelsey, at laging sinasabing “beautiful”.

Marami pang magbubukas na opportunity kay Kelsey sa abroad dahil sa kanyang kakayahan, kaseksihan at kagandahan.

Pero comment naman ang marami, hindi puwedeng pagkumparahin sina Liza at Kelsey lalo’t magkaiba sila ng mundong ginagalawan.

Paano kaya kung kay Kelsey inalok ang kinalasang project ni Liza, ang remake ng Darna?

 

88

Related posts

Leave a Comment