SIMULA ngayong araw ay mapapanood na sa Kapamilya Gold block ng ABS-CBN ang teleseryeng ‘Love Thy Woman’ na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Yam Concepcion at Xian Lim.
Ginagampanan ni Kim ang karakter ni Jia Wong na anak ni Christopher de Leon sa ikalawang pamilya.
Sa totoong buhay ay anak naman si Kim sa unang pamilya ng amang Chinese.
“It’s kind of challenging for me to play the second family. Kasi sila ‘yung parang hindi masyadong pinapansin, pero pinapansin sila ng papa ko. Ito talaga ‘yung nangyayari sa pamilya ng totoong Chinese family. Kaya nga ‘pag titingnan ko, ‘pag umaarte kami, shocks, kawawa rin pala ‘yung anak ng papa ko. Kasi ‘pag first family, ikaw ‘yung pinakamatapang. So, my character plays as a second family. Now I understand what they are feeling ‘yung mga kapatid ko sa labas,” pagbabahagi ni Kim.
Ayon sa dalaga ay talagang sinikap niyang mag-aral nang mabuti noong kanyang kabataan upang madalas na makasama ang ama.
Nasanay si Kim na ang ina at mga kapatid lamang ang kasama sa kanilang bahay noon. “Growing up, lagi ako nagwo-wonder nasaan ‘yung papa ko? Kasi lagi siyang nawawala. Habang lumalaki, okay na ako na wala akong father figure pero kapag may special event nandiyan siya. kunwari, a-award-an ako, honor kasi ako no’ng elementary tapos parang, ‘Sinong pupunta? Sinong aakyat (sa stage)?’ Tapos magugulat na lang ako, ah si Papa pala, dumating pala siya. So iyon ‘yung naging motivation ko, na mag-aral nang mabuti para kung meron akong award, pupunta siya,” nakangiting kwento ng aktres.
Kabilang din sa naturang serye sina Ruffa Gutierrez, Eula Valdez, Sunshine Cruz, Zsa Zsa Padilla at Christopher de Leon.
353