KRIS MAY LUPUS; LILIPAD SA SG PARA SA CHECKUP

krissy

(NI JET D. ANTOLIN) LILIPAD muli patungong Singapore ang TV host actress na si Kris Aquino para sa mga serye pa ng eksaminasyon sa umano’y sakit na nagpapahirap sa kanya ngayon. Kahapon ay humarap ang  aktres at media personality sa kanyang Facebook live video at ibinunyag na may isa siyang uri ng sakit na lupus at allergic sa lahat ng gamot para gamutin ang kanyang sakit.

Kapansin-pansin ang pagbaba ng timbang ni Kris base sa pinakahuling litratong inilabas niya sa Instagram Sabado ng gabi.

Maliban dito ay mayroon din umano siyang fibromyalgia kung saan umaabot sa tatlo hanggang apat na araw siyang nakahiga at hindi makabangon.  At habang nasa ayos na kalagayan pa naman umano ang kanyang kidney, ginagawa umano ng doktor na ibalam ang hindi maiiwasan na kalagayan.

Mayroon ding chronic spontaneous urticaria ang aktres at nalagpasan ang isang “fatal allergic reaction from anaphylactic shock” kamakailan. Allergic din ang TV host sa halos ng lahat sa paligid niya kabilang ang pollen, puno at mataas na temperatura.

Kasabay nito, nagsabi ang aktres sa kanyang dating business partner na si Nicardo Falcis II na hindi na siya galit dito. Gayunman, ang tanging kahilingan ay lumutang upang harapin ang qualified theft na isinampa ni Kris dahil sa mahigit isang milyong pagnanakaw sa kanyang kompanya.

“Hindi na ako galit sa iyo, Nico. Pero harapin mo naman ang lahat ng kaso mo, ‘yun lang. I did not lie. I don’t want to die being accused as a liar,” sabi ni  Kris.

Muling nag-post ang aktres sa kanyang IG at sinabing susundin niya ang habilin ng mga doktor na lumayo muna sa social media dahil nakadaragdag ito sa kanyang stress. Nagpasalamat din ang aktres sa kanyang fans at supporters na patuloy na nagdarasal para sa kanyang paggaling.

 

 

6

Related posts

Leave a Comment