LEAD ACTRESS SA AGA MUHLACH MOVIE: NADINE OUT, BELA IN

bela99

olea(NI JERRY OLEA)

IPINALIT ng Viva Films si Bela Padilla kay Nadine Lustre sa cast ng MMFF 2019 official entry na Miracle in Cell No. 7, na pagbibidahan ni Aga Muhlach.

Ayon sa liham na ipinadala ng Viva sa MMFF 2019 ExeComm, umatras si Nadine sa proyekto “due to persistent medical concerns and her resulting inability to perform her duties as an actress during the shoot up to the promotion of the film.”

Hanggang July 30 ay pwedeng sumulat ang producers ng napiling first four official entries ng MMFF 2019 sakaling magpapalit sila ng major cast.

Ang totoo, hindi ganoon kalaki iyong role ng adult female sa movie. Mas malaki ang papel ng young daughter, at ng mga kakosa ng bidang lalaki sa kulungan.

Isa pa, kung pakatutuusin ay mas may hatak si Bela kesa kay Nadine sa takilya.

Napatunayan ni Bela na kaya niyang magdala ng pelikula kahit wala siyang ka-loveteam.

Eh di ba, parehong na­ging leading man nina Nadine at Bela si Carlo Aquino sa pelikula?

Mas malakas nang di hamak ang Meet Me In St. Gallen kesa sa Ulan!

###

For the first time, nagsanib-pwersa ang MMDA at CEAP (Cinema Exhibitors Association of the Philippines) para sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival.

Labing-isang araw ang summer edition ng MMFF na mag-uumpisa ng Black Saturday (Sabado de Gloria). Ang Parade of Stars ay Palm Sunday (Domingo de Ramos/Linggo ng Palaspas). Ang Gabi ng Parangal ay Miyerkoles, ikalimang gabi ng filmfest.

Dahil nanganganay pa, ang karamihan sa alituntunin ng Summer MMFF ay kaha­lintulad ng December filmfest.

Kumbaga, walo rin ang official entries ng Summer MMFF. Pero wala nang announcement ng first 4 base sa script.

Sabay-sabay na ia-announce ang walong official entries.

Iyong mga hindi nag-qualify sa MMFF (December filmfest) ay pwedeng mag-apply muli para sa summer filmfest na hindi na magbabayad ng application fee.

Kinikilala ng MMDA ang initiative ni Senador Bong Go kaugnay sa pagkabuo ng Summer MMFF. Handa si Congressman Dan Fernandez na tumulong upang mas maging maayos ang palakad dito.

Quezon City ang host ng unang Summer MMFF, ma­ging ng MMFF 2020.

4 ang Salvadors sa ‘The Killer Bride’

Magsisimula kay Maja Salvador ang kuwento ng bagong Kapamilya primetime teleserye na “The Killer Bride.”

Pero mamamatay ang karakter ni Maja. Magmumulto. Sasapi sa karakter ni Janella Salvador.

OK lang kay Maja kung sabihin mang suporta siya kay Janella. After all, magkadugo sila. Parehong Salvador.

“Masaya ako for Janella. It’s her time to shine! Time naman niya ngayon! And sobrang ganda nung ‘The Killer Bride.’ Excited ako sa kung ano ang ipapakita ni Janella!” bulalas ni Maja.

“Don’t call me Tita” ang hanash ni Maja kay Janella, kaya “Ate” ang tawag ni Janella kay Maja.

Katambal ni Maja sa teleseryeng ito si Geoff Eigenmann, na dati ay tinatawag niyang “Kuya.”

Wala munang kuya-kuyakoy kapag on cam sila. “Don’t call me Kuya!”

Kasama rin sa cast ng “The Killer Bride” si Jobelle Salvador. Sabi ni Jobelle, nagulat siya pagpunta sa look test dahil wala siyang kamalay-malay na ang mga kaanak na sina Maja at Janella ang makakasama niya sa teleseryeng ito, kung saan lima hanggang walong buwan yata ang nakalatag nang takbo ng istorya.

Noong nagsisimula pa lang si Maja sa showbiz ay tinawag nitong “Tita” si Jobelle.

“Don’t call me Tita!” rin ang atas noon ni Jobelle kay Maja, and yes, “Ate” ang itinawag ni Maja kay Jobelle.

Sa pakikipagtsikahan namin kay Jobelle, napag-alaman naming may isa pang dugong-Salvador na kasali sa teleserye… si Malu de Guzman.

Opo! Apat ang Salvador sa “The Killer Bride,” hindi tatlo!

Bonggacious ang casting nito, kung saan si Joshua Garcia ang katambal ni Janella. Maliban sa mga nabanggit na, kasali rito sina Dominic Ochoa, Loren Burgos, Alexa Ilacad, Eric Nicolas, Keanna Reeves, Eddie Gutierrez, Aurora Sevilla, Cris Villanueva, James Blanco, Lara Quigaman, Ariella Arida, Sam Concepcion, Pepe Herrera, among others.

 

136

Related posts

Leave a Comment