LIZA SOBERANO, TULOY NA ANG PAGLIPAD BILANG DARNA

liza123

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

INIP na inip na ang fans ni Liza Soberano to see her as a Filipino iconic superhero. Kaya tiyak na ikatutuwa nilang malaman na magsisimula na ngayong summer ang shooting ng Darna. Masuwerte ang production staff ng Darna dahil sila ang kauna-unahang makakagamit ng ABS-CBN SJDM Studio located at San Juan del Monte City in Bulacan.

Nung ‘di pa ready ang studio, naisip ni Direk Jerold Tarog na magpagawa ng warehouse na katulad nung sa BuyBust film ni Anne Curtis. Masyado raw malaki ang gagastusin kaya no choice ang production kundi hintaying matapos ang ipinapagawang studio.

Isa pang dahilan kaya natagalan ang pagbabalik ni Darna ay dahil sa nangyaring injury kay Liza sa taping of “Bagani” last August 2018 kung saan inoperahan ang kanyang injured finger.

Isa pang inaabangan nga-yon bukod sa isusuot na costume ni Liza ay kung sino ang gaganap sa papel ni Valentina. Auditions for this role were held at the Dolphy Theater last Saturday, March 16. At isa si Garie Concepcion (daughter of Gabby Concepcion and Grace Ibuna) sa nabanggit na nag-audition for the role.

267

Related posts

Leave a Comment