MAG-AAPAT na taon nang magkasintahan sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ngayon. Aminado ang dalawa na napag-uusapan na rin ang tungkol sa kasal paminsan-minsan.
Bilang paghahanda sa kinabukasan ay mayroon nang naitayong mga negosyo sina Luis at Jessy. “Actually wala kaming business together. She has her own, she has Señorita (beach wear). But at the same time, we are working together. ‘Yung Lucky and Lulu (perfume business), ‘yon magkasama kami do’n. Pero ‘yung Señorita, that is all her,” pagbabahagi ni Luis.
Ayon kay Luis ay sobrang tutok daw ni Jessy pagdating sa negosyo. “As a business partner ang galing kasi she knows what she wants. Everything is clear para sa kanya. She has a directive and sometimes she has other people take care of it. Pero she’s there talagang overseeing everything,” kwento ng binata.
Ngayong Valentine’s Day ay mayroon daw inihandang espesyal ang TV host para kay Jessy. Hindi pinalalampas ni Luis ang Araw ng mga Puso dahil ito ang maituturing na pinaka-romantic na araw sa buong taon.
“Good question, ano ang gagawin namin sa February 14. Ang Friday technically taping namin ng Home Sweetie Home pero para do’n ipa-pack up ko ang taping. Babayaran ko lahat ng mga artista, ‘Huwag kayong pumunta, magsitulog na lang kayo dahil magla-love life ako,” pabirong pahayag ng aktor.
185