NATHALIE HART BALIK-SHOWBIZ

IT was in June 2018 nang aminin ni Nathalie Hart ang kanyang pagbubuntis courtesy of her real estage developer boyfriend then na si Mayank Sharma na isang Indian national.  Inamin din noon ng actress na nakatakda niyang isilang sa Sydney, Australia ang kanyang baby.

She did not reveal kung kelan niya isinilang si Penelope na sa pagkakaalam namin ay one-year-old na.

Sa isang panayam, inamin ni Nathalie na mutual umano ang kanilang paghihiwalay dahil wala na umanong unity ang kanilang relasyon due to personal (and cultural) differences.

There was also a time na natakot si Nathalie na baka hindi na siya makabalik sa showbiz dahil may anak na siya.  In 2018 siya ang isa sa pinaka-in demand actress sa telebisyon at pelikula.

She was even pregnant when she promoted her last movie bago niya ipinanganak si Penelope.

Ayon kay Nathalie, si Penelope umano ang dahilan kung bakit pursigido siya sa kanyang pagbabalik-showbiz.  And luckily for her, maluwag siyang nakabalik.

First project niya sa kanyang pagbabalik ang isang iWant movie original na “Barbara Reimagined” kasunod na rito ang pagpasok ng kanyang character sa tumaktakbong afternoon TV series na “Pamilya Ko”.  May dalawa rin siyang movie sa bakuran ng Viva, ang “Kunwari Mahal Kita” with Ryza Cenon and Joseph Marco at ang comedy movie na “Pak Boys” kung saan tampok sina Janno Gibbs, Andrew E., Dennis Padilla at Jerald Napoles.

On speaking terms umano  ngayon sina Nathalie at Mayank dahil sa kanilang anak na si Penelope.  Katunayan, dumating sa bansa si Mayank sa karawan ng bata.

BALIKANG MAJA SALVADOR AT EX-BF MAUUWI SA KASALAN

Ang boyfriend ngayon ni Maja Salvador na si Rambo Nunez ang susunod na magpu-propose sa taong ito.

Magmula nang magkabalikan sina Maja at Rambo ay nagtuluy-tuloy na ang magandang relasyon ng dalawa na inaasahang mauuwi sa kasalan lalo pa’t nasa edad na sila pareho.

Pero kung ang trabaho ni Maja ang iisipin ay baka nga mabalam ang planong pagpapakasal ng dalawa.

Hindi ikinakaila ni Maja na sumasabit umano sa kanilang usapan ni Rambo ang tungkol sa kasal pero hindi umano ito mangyayari any day soon.

Very proud si Rambo sa kanyang nobya dahil sa pagiging dedicated nito sa kanyang trabaho.

VILMA AT EDU SABIK NANG MAGKAAPO KAY LUIS

Ang isa pang couple na inaabangang mai-engaged this year ay sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.  Pero natatawa lamang ang dalawa sa tuwing tatanungin si Luis kung kelan ito magpu-propose sa kasintahan.

Ultimo ang estranged parents ni Luis na sina Rep. Vilma Santos (ng Lipa, Batangas) at Edu Manzano, ay umaasa na ring magkaroon ng sarili nilang apo pero as usual, ayaw magpa-pressure ng TV host-actor, celebrity endorser and successful entrepreneur.  May suspetsa ako na hihintayin muna ni Luis na siya’y mag-40 (on April 21) bago siya mag-asawa.

Hindi kaya?

Wala nang dapat pang patunayan si Luis pagdating sa pagbuo ng isang pamilya dahil napaka-stable na ng kanyang income mula sa kanyang pagiging TV host-actor, celebrity endorser at bilang isang successful businessman.

Napaka-suwerte umano ni Jessy kapag siya ang pinakasalan ng Luis.

PROPOSAL NG BF KAY JASMINE CURTIS-SMITH INAABANGAN

Marami ang nag-aabang sa proposal ni Jeff Ortega sa kanyang nobyang si Jasmine Curtis-Smith, ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis.

Kamakailan lamang ay nag-celebrate ng kanilang 4th anniversary bilang magkasintahan sina Jasmine at Jeff na isang surfer at entrepreneur at nagmula sa isang may sinasabing pamilya sa Norte.

Bago si Jeff ay naging kasintahan ng actress ang singer-actor-dancer-host na si Sam Concepcion na hiwalay na rin sa kaisa-isang anak na babae ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano na si Kiana.

ANNE CURTIS MANGANGANAK SA MARSO

Next month na, buwan ng Marso, nakatakdang isilang ni Anne Curtis ang  kanilang magiging first baby ng husband niyang si Erwan Heussaff, na isang girl.

Kung excited ang mag-asawang Anne at Erwan, ganoon din ka-excited ang younger sister ng actress-TV host and celelebrity endorser na  si Jasmine Curtis-Smith na makita ang unang pamangkin.

BREAK-UP NINA JAMES AT NADINE, FAKE?

May nakarating sa aming balita na kesyo fake umano ang napabalitang break-up nina James Reid at Nadine Lustre.  Ginawa lamang umano ng dalawa ang balitang ito para pag-usapan at magkaroon ng ingay ang kanilang relasyon.

Ang dalawa ay busy ngayon sa kanilang magkahiwalay na bagong TV series sa Kapamilya Network.  Ginagawa ni James ang “Soulmate Project” kung saan ang K-Pop star na si Nancy McDonie ang kanyang kapareha.  Si Nadine naman ay kasisimula lamang sa kanyang bagong action-drama series, ang “Burado” kung saan niya mga kabituin sina Julia Montes, Zanjoe Marudo, Paulo Avelino at ang Thai actor na si Denkhun Ngamnet.

Ang “Soulmate Project” at “Burado” ay first TV series ng dalawa na hindi sila magkasama.

 

 

105

Related posts

Leave a Comment