MAY IKATUTUWA NA NAMAN ANG ALDUB NATION

aldub23

EXPRESS LOGO copy(NI RONALD RAFER)

KASADO na ang guesting ni Alden Richards sa “Daddy’s Gurl” na pinagbibidahan ni Vic Sotto at Maine Mendoza sa GMA 7. Anytime this week magaganap na ‘yun kaya matutuwa ang AlDub Nation dahil muling magpapakilig ang idols nila para sa kanila.

Hindi naman siguro pupunta doon si Arjo Atayde, especially dahil araw ng AlDub ‘yun. Palihim kasi syang dumadalaw sa taping para kay Maine. ‘Pag nakita nga naman sya ng mga fans nina Alden at Maine ay baka magkagulo at madamay pa ang taping ng comedy show.

Kahit na umamin na si Maine na may boyfriend na siya at lantaran na nga sa social media, eh, may mga nangangarap pa ring mga fans nila na kahit sa TV at pelikula ay magkapareha pa rin sila. After all, minahal talaga nila ang dalawa kaya medyo “nagkagulo” sila nang may pumasok na iba.

Iba ‘yung pagsasama nila sa “Eat Bulaga” na halos ‘di na nga sila nagpapansinan! May mga pagkakataon na nagkakatinginan sila at nakakapag-usap pero ganun lang. Nawala na ‘yung dating kilig sa dalawa.

Kaya naman nang nalaman nilang maggi-guest si Alden sa “Daddy’s Gurl,”  bumalik na naman ang sigla ng AlDub fans. Ngayon pa lang ay inaabangan na nila ang guesting na ito.

Samantala, pansin na pansin na medyo gumaganda na ang katawan ni Alden. Nababawasan na ang mga baby fats nito dahil sa rigid workout na ginagawa. Desidido talaga siya na magpaganda ng katawan at magkaroon na rin ng abs gaya nina Jak Roberto at Ruru Madrid.

Mukhang may pinaghahandaan si Alden. Kung ano ‘yun, aabangan natin.

                                                                                                ###

Nakakatuwa ang guesting ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa “Magandang Buhay.”  Birthday episode ‘yun ni Maria kaya mga kapatid at pamilya at malalapit na kaibigan ang mga bumati sa kanya.

Nandun sina Eric at Epi Quizon na “kapatid” na ang turing kay Maricel. “Daddy” ang tawag ni Maricel kay Dolphy na tinuring na rin niyang ama. Very close talaga sila. Kuwento ni Epi , bigla na lang tatawag si Maria at mangungumusta.

Sabi ni Eric, bigla na lang susulpot sa bahay nila si Maricel. Kapag tinanong daw niya kung bakit, sasagot daw si Maria ng, “Bakit ba?!”

Aliw na aliw ang birthday girl sa mga hosts ng programa na sina Melai Cantiveros, Karla Estrada at Jolina Magdangal.  Sinayaw pa ng mga ito ang pinausong sayaw ni Maria noon na “Rico Mambo” at “Shake Body Dancer.”

Pinasaya ni Maricel ang kanyang mga fans at mga supporters. Bukod sa aktibong muli ito sa telebisyon, bumalik din ang sigla niya. Maaliwalas din ang mukha niya at wala pa ring kupas ang husay niya sa pag-arte.

Napapanood si Maricel sa “The General’s Daughter” kung saan bida si Angel Locsin. Bagama’t pasulpot-sulpot lang siya, hindi maitatangging isa siya sa inaabangan ng mga televiewers doon.

 

 

 

 

110

Related posts

Leave a Comment