NAKAKATUWA ANG CLOSENESS NG MGA ANAK NI ‘DA KING’

LOVI and GRACE POE

EXPRESS LOGO copyKaarawan kamakalawa (Pebrero 11) ni Lovi Poe at binati s’ya ng mga kapatid na sina Senator Grace Poe at Ronjan Poe sa IG. Sa magkasamang photo nilang magkayakap, eto ang birthday message ni Sen. Grace kay Lovi:

“It took almost two decades before I met you. I am grateful to finally know the priceless joy of caring for and loving a sister. Thank you for accepting me. I will always be your proud Ate. Happy birthday Beautiful @lovipoe.”

Sa isang photo naman ni Lovi sa IG n’ya, sa larawan na magkasama sila ni Sen. Grace, sweet naman ng caption ng aktres: “So much love for this woman…glad I have you. @sengracepoe “

Eto naman ang post ni Ronjan para sa kapatid na magkasama rin sila sa pic along with their friends: “Happy Birthday to my Ate. @lovipoe”

Nakakatuwa na magkakasundo ang mga anak ng yumaong “Da King” Fernando Poe, Jr. We’re pretty sure na maligayang-maligaya si FPJ para sa mga anak saan man s’ya naroroon.

oOo

HEART EVANGELISTA-4Mismong sa Araw ng mga Puso (Feb. 14) ang kaarawan ni Heart Evangelista-Escudero. Pagkatapos ng mga ganap n’ya sa New York, Paris, at China, nasa Singapore naman s’ya ngayon para sa isang malaking project.

Nagsu-shoot ngayon si Heart ng isang Hollywood movie sa Singapore at ‘yun muna ang focus ng kanyang panahon at atensyon. Pero baka umuwi s’ya ng ‘Pinas sa kanyang kaarawan upang  mag-celebrate kasama ang kanyang husband na si Sen. Chiz Escudero. Kung hindi man, baka ang butihing Senador na ang pumunta sa Singapore at dun sila mag-celebrate, di ba?

Mahilig mang-surprise si Sen Chiz at pwedeng sorpresahin n’ya si Heart sa Singapore.

Dahil tatakbo si Sen. Chiz bilang Governor ng Sorsogon, marami ang nagtatanong kung sasamahan ba siya ni Heart sa pangangampanya? Kung hindi naman dahil busy din si Heart, malakas din naman ang hatak ni Sen. Chiz at mahal siya ng kanyang mga kababayan sa Bicol.

oOo

MARIAN RIVERA-8Last Sunday ay pansamantalang nagpaalam si Marian Rivera sa “Sunday PinaSaya” upang makapagpahinga at paghandaan ang nalalapit na panganganak sa second baby nila ni Dingdong Dantes. April ang kabuwanan ni Marian para sa kanilang baby boy.

Mangiyak-ngiyak pa si Marian habang nagpapaalam sa mga kasamahan at sinabing mami-miss niya ang mga ito. Parang  nagkaroon pa ng “baby shower” at  “nagpayabangan” sila ni Ai Ai de las Alas na malaki ang tiyan at naka-maternity dress din sa kunwaring regalo ng mga kasamahan nila.

At dahil patapos na ang “Cain At Abel,” tiyak na masasamahan s’ya ni Dingdong sa paghihintay ng paglabas ng kanilang baby boy.

Pak!  (Express / Ronald M. Rafer)

214

Related posts

Leave a Comment