SOBRANG reaction ng mga fans ng Jadine sa balitang hiwalayan nila. Alam mo, para sa akin bagay na bagay ang dalawa, saka maganda kumbinasyon nila at suwerte naman team up nila ng magkasama sila.
Baka naman isa lang itong case ng small misunderstanding at puwede pa maayos at magkabalikan muli kung tutoo man naghiwalay. Kaya lang medyo iba rin pressure dahil hindi na contract star ng Viva si James Reid, si Nadine Ilustre lang ang natira kaya talagang pagdating sa loveteam medyo mahirap na silang pagsamahin, maliban sa tv project dahil pareho pa rin sila ABS. Naku sana naman maayos ang lahat para sa Jadine para hindi mabuwag ang loveteam nila, sayang din.
Sey ni Dhedhe na solid Jadine: “Ayan lyrics ng song yan ang mga cryptic caption nya… mahilig sya Umayaw na ata si James sa teleserye nila ni Nancy kasi di na nababanggit sa mga upcoming shows ng
abs tapos si nadine at ay gustong di pag renewin ni James sa viva..mag caption na ganyan.. Demolition job na ng viva at abs yan..”
PATI SI POPE KINUYOG NG BASHER
Naku, tunay nga na kahit sino, hindi na iginalang ng mga basher. Imagine mo na pati si Pope Francis hindi nila iginalang, sobra na talaga. Alam mo OK naman iyon kantiin ka, pagsabihan, pero gumamit ng hindi magandang salita.
Iyon mga mura at mababang uri ng lengguahe para lang talaga ipinakita mo how low you are. Ako honestly, kaya binabasa ko lahat ng comment dahil may natutunan ako dito, iyon mga pagpuna OK sa akin, eye opener nga para sa akin. pero iyon sobra bastos, Yuckk talagang sinasabi ko sa sarili huwag mo pansinin kasi sure isa iyan jobless, gutom, at hindi nakaabot ng high school.
Kasi kita mo sa comments iyon may utak, malalim at talaga lang iyon puna constructive, kaya iginagalang ko at actually nagpapasalamat pa ako dahil nakikita ko iyon mistakes ko. Sana nga makita ng mga tao na nagpapaapekto sa bashers kung gaano ka lowlife ang mga ito, to the point na pati si Pope Francis hindi na iginalang. Basura talaga sila ng lipunan, pathetic losers. God forbids, you will get what you deserve.
135