SMB, PHOENIX PLAYERS MULTADO

abueva25

(NI JOSEPH BONIFACIO)

 

NABAWASAN ng P20,000 ang pera ni Christian Standhardinger ng San Miguel Beer, dahil sa multang ipinataw ng PBA nang aksidenteng masipa niya sa mukha si Calvin Abueva ng Phoenix Pulse.

Naging mainit ang Game 2 ng Philippine Cup na pinagwagian ng Beermen, 92-82 at 2-0 abante sa serye, kung saan ejected si Standhardinger.

Flagrant foul penalty 2 (FFP2) ang pinataw kay Standhardinger nang tamaan sa mukha si Abueva sa kanilang pag-aagawan sa loose ball.

Walang suspensiyong ipinataw sa SMB player dahil nakita naman nang rebyuhin ang video tape ng laro na hindi niya sinadyang sipain si Abueva.

Gayunman, kinakailangan niyang makilahok sa community service ng PBA at sumama sa pagdayo ng liga sa iba’t ibang barangay para sa programang ‘Homecourt.’

Hindi rin naman nakatakas sa multa si Abueva, dahil P15,000 rin ang kinaltas sa kanya dahil sa ‘dirty finger’ na makailang ulit niyang ginawa.

78

Related posts

Leave a Comment