TOM NAG-AARAL MAG-CHINESE PARA SA ‘DRAGON LADY’

toms

SCENES(NI ROMMEL GONZALES)

ANG pagsasalita ng Chinese ang challenge kay Tom Rodriguez sa role niya sa “Dragon Lady.”

“Iyong mga Mandarin lines, to be able to say them with conviction and as naturally as I can while still maintaining kung ano ‘yung emosyon na sinasabi.

“Kasi usually pag binabasa namin sa script nakalagay lang dun kung ano ‘yung sasabihin ko, tapos sasabihin lang in Mandarin. Pero Tagalog pa rin ‘yung binabasa ko. So parang alam ko ‘yung thought in Tagalog, pero sasabihin na… dun pa lang malalaman ko, ito kailangan Mandarin later on.

“So iyon ‘yung challenge ko na habang sinasabi, habang ginagawa ko siya, na hindi ako ma-conscious ng sobra dun sa syntax.

“Kaya ngayon tina-try ko talagang aralin ‘yung intonation kasi hirap na hirap akong kunin siya. Para ‘pag gagawin ko siya hindi ako nagpo-focus dun sa kung paanong sabihin kundi kung ano ‘yung sinasabi ko.”

Hindi pa alam ni Tom kung ilang percent na ng kailangan niyang pag-aralan na Mandarin ang napag-aaralan na niya.

“Sobrang basic pa lang ‘yun, kasi nasa chapter one pa lang yata ‘yun ng Pimsleur Module na ginagawa ko.”

Ang Pimsleur ay isang language program para mag-aral ng iba’t ibang languages.

# # #

Mula pagkabata ay malapit sa isa’t isa ang magkapatid na May at April. Luma­king matalino si April. Lumaki namang pasaway si May. Dahil dito, naging paborito ng mga magulang nila si April.

Nang magdalaga na sila, pinagbawalan ng magulang nila na magkanobyo si May,  habang pinayagan naman nilang makipagrelasyon si April.  Lalong nagrebelde si May. Inagaw niya ang kasintahan ng kapatid.

Naging malayo at malamig ang relasyon ng magkapatid. Nang nagkaroon sila ng sari-sariling asawa  ay tsaka pa lang sila nagbati. Dahil sa kahirapan, napilitan silang magsama sa bahay ng kanilang mga magulang.

Napangasawa ni May si Glen, may trabaho. Si April naman ang siyang nagtatrabaho para sa tamad niyang asawang si Edong. Laging naiiwan sa bahay sina May at Edong. Lingid kina April at Glen, paulit-ulit na may nangyayari kina May at Edong. Isang araw, nahuli ni April sa akto sa kama ang kanyang kapatid at asawa. Pina­layas niya ang asawa.  Lumayas din si May. Nagsama na sina May at Edong. Naiwan sina April at Glen. Isang gabing lasing sila, hindi nila napigilan ang pangu­ngulila at tukso.  May nangyari rin sa kanila!

Galit na galit ang magulang ni April sa natuklasan na ang kanilang mga anak ay nagpalitan ng asawa!

Ang episode na ito ng “Magpakailanman” ng GMA na “Huwag Ate, Huwag Bayaw” ay pinagbibidahan nina Kim Rodriguez, Rodjun Cruz, Ervic Vijandre, at Faith Da Silva. Sa direksyon ito ni Jorron Monroy at sa panulat ni Vienuel Ello. Bukas na po ito ipapalabas, Sabado (March 9) ng gabi.

 

 

139

Related posts

Leave a Comment